^

Pang Movies

Megan dadalaw kay P-Noy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahapon dumating si Miss World Megan Lynne Young sa bansa mula sa London, England pero ang grand parade ay gaganapin ngayong umaga, pagkatapos ng kanyang courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malacañang. Dapat ay umiwas ang mga motorista sa mga lugar na dadaanan ng parade na coordinated sa Metropolitan Manila Development Authority.

Sunshine gusto nang makipag-halikan sa ibang lalaki

Beauty talaga si Sunshine Cruz nang mag-appear siya sa launch niya sa pagbabalik niya bilang endorser ng Ever Bilena kaya may nagtanong sa kanya kung nag-undergo siya ng cosmetic surgery. Ever since raw wala siyang ginagamit na ibang brand dahil ito talaga ang nakasanayan na niyang gamitin. Ayon kay Mr. Dioceldo Sy, president/CEO ng Ever Bilena, muli nilang kinuha si Sunshine dahil naging loyal ito sa kanila at tamang-tama raw sa tagline nilang “Ever Bilena Beauty Shines in You.” Shine ang nickname ng aktres. 

Pero naniniwala si Sunshine na ang pagiging positive niya sa kabila ng mga pinagdaraanan ng kanyang married life ang nakatutulong sa kanya. Ipinagpasalamat niya ang mga sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya simula nang muli siyang bumalik sa showbiz. Naroon din ang three daughters niyang pawang mababait at hindi rin siya nakalilimot magdasal at magpasalamat sa Diyos.

Desidido na si Sunshine na mag-file ng annulment pero wini-wish niya na si Cesar na lang ang mag-file para hindi na siya gumastos. Kung hindi man nakasusunod si Cesar sa mga pinag-usapan nilang sustento sa kanilang mag-iina, may work naman siya para buhayin niya ang mga anak nila. 

After Dugong Buhay, nasa Galema naman si Sunshine at ready na rin siyang tumanggap ng movie projects na ia-approve ng manager niyang si Alfie Lorenzo. May limitations nga lamang siya. Puwede ang kissing scenes but no sexy scenes dahil may mga anak siyang babae.

Kapuso stars pasasayahin ang mga biktima ng baha sa Negros

Pagkatapos na pinsalain ng malalakas na ulan at baha ang Negros province last week, tiyak na welcome sa kanila ang pagdating ng mga Kapuso star para magbigay saya sa kanila. Ngayong Biyernes, pasasayahin ni GMA Primetime Queen Marian Rivera ang tinaguriang Land of the Gentle People, ang Dumaguete City. Ang meet-and-greet event ni Marian sa fans ay gaganapin sa Robinsons Dumaguete City at 4:00 p.m.

Nasa Oroquieta City naman sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, at Elle Ramirez ng Pyra sa Kapuso Fiesta sa MOPAC Grounds with Andrea Torres at Kris Lawrence.

Bukas, Oct. 12, sina Lovi Poe, Rocco Nacino at Ruru Madrid ng Akin Pa Rin ang Bukas ay nasa Buglasan Festival Parade at 2:00 p.m. at kinagabihan ang Kapuso night sa Sidlakang Negros Village, Negros Oriental. Lahat ng regional shows ay mapapanood sa Oct. 27 sa lahat ng regional stations ng GMA sa buong Pilipinas.

vuukle comment

AFTER DUGONG BUHAY

AKIN PA RIN

ALFIE LORENZO

ANDREA TORRES

BUGLASAN FESTIVAL PARADE

BUKAS

EVER BILENA

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with