^

Pang Movies

Miss Supranational Mutya Datul natabunan agad ni Megan

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Hahaba pa ang pagbubunyi sa pagkakapanalo ni Miss World 2013 Megan Young dahil kapag nakabalik na siya sa Pilipinas galing London, England o kung saan man ay laman na naman siya ng mga balita. Maghihintay lang tayo ng isang linggo pero kahit wala pa siya ay maya’t maya rin naman ang update.

Siya na ang pinaka-celebrated beauty queen pagkatapos ni Miss Universe Gloria Diaz. Si Megan na ang bagong titingalain ng kanyang henerasyon at ng mga susunod pa sa kanyang yapak habang walang bagong kokoronahang Pinay.

Oo nga at nauna si Miss Supranational Mutya Datul na nagdala ng korona niya sa Pilipinas mula sa Belarus pero bagito pa kasi ang kanyang sinalihang beauty pageant. Madaling matatabunan ng pagkakapanalo ngayon ni Megan.

Ang maganda nito, pagkatapos ng Miss World, ay kung makukuha rin ni Ariella Arida ang titulong Miss Universe o kahit siguro maging runner-up man lang siya. Tiyak na tiyak na ang selebrasyon ng bansa na dumanas ng kanegahan sa pork barrel scam at Zamboanga attack!

Kaya lang sana hindi lang makikilala ang Pilipinas sa pagandahan. Magsilbi na sanang inspirasyon itong pagkakapanalo ni Megan na pagbutihin ang mga sarili at iangat ang bayan. Ginawa na niya ang kanyang parte, ibinida ang wikang Filipino sa buong mundo at ipinagmalaki na isa siyang Pinay kahit ang kalahati niyang dugo ay Amerikano.

Hindi ba maganda ‘yung taas-noo tayong mga Pilipino tuwing may rumarampang kababayan sa ibang bansa? Hindi ‘yung nagbubulungan ang mga banyaga na ang mga Pinoy ay galing na nga sa mahirap na bansa ay laganap pa ang korupsiyon at may hindi matapus-tapos na “giyera” sa Mindanao.

At dahil bidang-bida si Megan ngayon, dawit din ang kaisa-isang lalaki na nali-link sa kanya. Sila ba talaga o hindi ni Mikael Daez?

Pumapabor pa naman sa Kapuso actor ang pagkakataon dahil bukod sa hot na hot si Megan ay may nightly exposure rin siya sa Saksi. In fairness kay Mikael, bagay sa kanya ang food segment at hindi na kailangang akting na akting siya. Dahil doon, tandang-tanda na siya ng mga tao ngayon.

Puwede na kaya siyang magsalita sa kanilang relasyon kahit wala pa sa bansa ang kanyang rumored girlfriend? O hihintayin niya munang dumating bago magpa-interview?

 

vuukle comment

ARIELLA ARIDA

MEGAN

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

MISS SUPRANATIONAL MUTYA DATUL

MISS UNIVERSE

MISS WORLD

PILIPINAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with