^

Pang Movies

Habang nagti-taping ng Kris TV: Melason sa Singapore nakabuo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ibinalita ni katotong Ogie Diaz sa kanyang official website na two months preggy na si Melai Cantiveros and, siyempre, ang ama ay walang iba kundi ang boyfriend niyang si Jason Francisco.

Ayon pa sa report ni Ogie, made in Singapore raw ang baby, noong panahong nagpunta sila sa nasabing bansa para sa taping ng Kris TV.

Nang huli naming makausap si Jason a month ago sa taping ng Wansapanataym, nabanggit nga niyang matagal na nilang gustong magka-baby ni Melai pero hindi pa nga raw puwede dahil breadwinner ang girlfriend.

That time ay galing na sila sa Singapore without knowing na nakabuo na pala sila.

Four years na ang relasyon nina Melai at Jason na nagsimula noong housemates pa lang sila ng Pinoy Big Brother. On and off ang relasyon nila pero dahil mahal naman nila ang isa’t isa, sa bandang huli ay nagkakaayos naman sila parati.

As we write this ay hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang balita pero, if true, for sure ay masayang-masaya ang magdyowa especially Jason dahil natupad na ang hinihiling-hiling niya.

Cristine ipinangangalandakang hindi lang babae ni Derek kundi â€˜everything’

Parang lovebirds ngayon ang bagong magkarelasyon na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Last Sunday ay nag-post pa ang aktor ng larawan nila na nag­hahalikan sa lips at may caption na “This is forever.”

Si Cristine naman ay nag-post ng “Not just your girl. I am your everything.”

Ipinoste rin ng aktres ang mga number na 8-28-2013, ang date kung kailan sinasabing naging magdyowa na sila.

Nagkataon namang may pelikulang ginagawa ngayon sina Cristine and Rayver Cruz under Viva Films, ang My Trophy Wife kaya may mga nag-iisip na baka gumigimik at nag-iingay lang ang dalawa para sa bagong pelikula.

Well, we hope not. Hindi naman birong bagay ang pakikipagrelasyon para gawin mong gimik although may mga artista talagang gumagawa ng ganun.

Tonton dedma kahit ‘katapat’ ang asawa

Magkalaban ang mga teleserye ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa ABS-CBN at GMA 7.

Si Tonton ay kasama sa Bukas na Lang Kita Mamahalin ng Kapamilya Network habang si Glydel naman ay nasa cast ng My Husband’s Lover ng Kapuso.

Ayon kay Tonton, sinabihan nga raw siya ni Glydel na “Dy, baka magkatapat tayo.”

“Sabi ko naman, it doesn’t matter. Okay lang naman. Ganun talaga ang industriya. Minsan ay nagkakatapat kayo. Basta peace lang tayo sa bahay,” sabi ni Tonton.

Ginagampanan ng aktor ang mabait na asawa ni Dawn Zulueta sa Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Diana masayasa pagiging rape victim

Samantala, nasa cast din ng bagong drama series si Diana Zubiri at pangalawang teleserye na niya ito sa ABS-CBN. Ang isa ay Juan dela Cruz na nagkataon namang umeere pa rin at sa Oktubre pa matatapos.

Ayon kay Diana ay pasulput-sulpot lang naman siya sa fantaserye at biro nga niya, hindi pa naman siya lalabas sa bato kaya wala namang conflict.

Masaya ang aktres na mapasama sa powerhouse cast ng Bukas na Lang Kita Mamahalin at napakaganda rin ng role niya bilang isang rape victim kaya, say niya, talagang ibinigay niya ang lahat ng makakaya para sa kanyang karakter.

vuukle comment

AYON

BUKAS

CRISTINE AND RAYVER CRUZ

CRISTINE REYES

DAWN ZULUETA

LANG

LANG KITA MAMAHALIN

NAMAN

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with