^

Pang Movies

Jeric nagpipigil sa nararamdaman kay Thea

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpipigil lang sa damdamin nila sa isa’t isa sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales na muling magkapareha sa afternoon prime ng GMA na Pyra, Babaeng Apoy. Nakatanim pa rin kasi sa utak ng dalawa ang payo ni Gina Alajar nung Protégé days nila na unahin ang career bago ang puso.

Mas open nga lang si Jeric sa feelings niya kay Thea tuwing na­kakausap ng press. Isina­alang-alang niya ang atensiyon ng ka-love team sa career kaya nag­pi­pi­gil na lang muna siya sa damdamin niya. Upang manatili araw-araw ang utak ni Thea sa kanya, isang unan ang niregalo niya sa young star.

 â€œPara maalala niya ako palagi. Hahaha!” rason ni Jeric nang a­ming makausap.

Bilang ganti naman, isang special birthday card na may bonggang dedikasyon ang regalo ni Thea kay Jeric, huh!

Of course, hindi na bago sa showbiz ang mga rason na, “We’re just friends.” Kaya ibigay na lang natin sa kanila ang chance na maging de-kahon na rin ang mga sagot.

Sikat na aktor naging de-kahon, pinasusunod ng management

Iritable na rin ang ilang reporters sa mga de-kahon na sagot ng isang sikat na aktor. Nawala na raw ang candidness nito sa pagsagot sa mga maiintrigang tanong na may mga sound bite ang kanyang binibitawang statement.

Isinisisi ng mga writer sa management nito ang pagbabago ng aktor. Kung hindi nagpapaliguy-ligoy sa sagot, mariing, “No comment” naman ang tugon niya sa mga itinatanong.

Kaya naman nawawalan ng gana ang ilang wri­ters na kausapin siya dahil nati-turn off ang mga ito sa kawalan ng makuhang pang-attract ng readers sa mambabasa nila.

Gary V. gagamitin ang concert para mag-fund-raising

Magsisilbing venue ng fund-raising event ang Tuesday Nights With Gary V. ang Tea­trino’s Greenhils, San Juan City na sini­mulan nitong Martes nung makansela ang naka-schedule na show ng Total Performer.

Naging responsive kasi ang tawag ni Gary V. kasama ang asawang si Angeli Valenciano nang humingi sila ng donations. Mahigit P100K ang nalikom nilang halaga in cash and pledges.

Ngayong humupa na ang ha­bagat, tiyak na mas darami pa ang may mabubuting loob upang tumulong sa nasalanta nating kababa­yan.

Jose Manalo naiwan ng Dabarkads pa-HK, malaking bond hinihingi sa korte

Hong kong-bound ngayong umaga ang ilang Eat Bulaga Dabarkads. Bahagi ang biyahe nila ng selebrasyon ng 34th anniversary ng longest running noontime show. Prior to that, nagkaroon na ng salu-salo ang mga empleyado ng programa matapos ang misa.

Hindi makakasama sa biyahe sina Jose Manalo at Wally Bayola dahil sa previous commitment  nilang show tonight sa Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City. Bukod doon, malaki-laking bond sa korte ang dapat ilagak ng TAPE, Inc. bago makabiyahe si Jose.

vuukle comment

ANGELI VALENCIANO

BABAENG APOY

GARY V

JERIC

JOSE MANALO

SHY

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with