^

Pang Movies

Male singer nakakatanso kung magbihis at kumanta, bakla pala

Jun Nardo­ - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakatanso pa rin pala ang isang male singer. Hindi lang babae ang napapaniwala niyang tunay siyang lalaki kundi maging mga lalaki.

Naikuwento kasi ng isang kaibigan na naninirahan sa probinsiya ang pagkakaroon ng show ng male singer. Marami raw talagang humanga sa galing niya sa pagkanta. Pati nga friend namin ay bumilib.

Pero nang sabihin naming bading ang singer, shocked ang aming friend kasi naman daw, lalaking-lalaki ang hitsura niya sa stage pati na hitsura! Kaya walang paghihinala sa aming friend ang tunay na kasarian ng male singer.

Aktor na aktibo sa mga drama series, kasama sa listahan

ng mga bakla kahit nagka-GF ng isang beses

Nagulat naman kami minsan nang masama sa listahan ng mga bading ang isang aktor na aktibo pa rin ngayon sa mga drama series. Nauna kasi ang balitang nagkaroon ng girlfriend ang aktor kaya ni sa hinagap ay hindi pumasok sa amin ang tsismis sa kasarian niya.

Ilang beses na rin naman naming nakausap ng aktor kaya never kaming naghinala sa sexual preference niya. ’Yun nga lang, after ng una niyang dyowa, wala nang iba pang babae na na-link sa kanya.

Sa ilang beses naming panonood sa kanya, nagkaroon na kami ng pagdududa sa aktor kasi naman, malamya ang boses niya sa pagbibitiw ng dayalog. To think na lalaking-lalaki siya sa eksena, huh!

Ay, may chance ngayong berde rin ng dugo ng aktor! Tutal naman, magkaroon man siya ng girlfriend ay keri lang dahil may mga kloseta ring aktor na nagdyodyowa ng girl, huh!

Marian nagpaligaya muna ng matatanda

at bata bago nagpakasaya sa Bali

Pinaligaya muna ni Marian Rivera ang mga batang may sakit at mga matatandang inabandona bago niya sinelebreyt ang kanyang birthday sa Bali, Indonesia kasama ang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Dalawang magkasunod na birthday celebration ang ibinigay ng fan clubs ni Yan Yan bago siya umalis. Una munang nagkaroon ng surprise birthday party ang GMA Primetime Queen sa Anawin Home of the Abandoned Elderly sa Montalban, Rizal nung Aug. 8.

Nakisaya, nakikain, at nakisayaw si Marian kasama ang mga senior citizen sa charity event na nai-organize ng fan club niyang D’ Original Marian Devotees.

Kinabukasan, Aug. 9, sa mga batang may cancer sa Child Haus Foundation binigyan ng celebration si Marian ng fans’ club niyang Marianknights. Kasama niyang nagbigay ng katuwaan sa mga bata sina Mother Ricky Reyes, Ana Feleo, at Bambi Fuentes.

Naantig ang damdamin niya nang mag-perform sa harap niya ang mga batang may cancer at saka binigyan ng birthday card na may personalized greeting.

vuukle comment

AKTOR

ANA FELEO

ANAWIN HOME OF THE ABANDONED ELDERLY

BAMBI FUENTES

CHILD HAUS FOUNDATION

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

MOTHER RICKY REYES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with