^

Pang Movies

Aktres nakakasa na ang mga kaso sa mister na nang-abuso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ready na ang aktres sa mga kaso na isa-sampa niya sa kanyang estranged husband. May mga witness na ang aktres laban sa diumano’y pang-aabuso sa kanya ng mister niya.

Nalungkot ang friends ng mag-asawa dahil humantong sa korte ang kanilang problema. Ang akala ng friends, forever na ang pagsasama ng mag-dyowa na hindi na nagkikita ng mata sa mata.                          

Balitang kabaklaan ni Billy katsipan

Katsipan ang isyu na baka bading si Billy Crawford kaya nakipaghiwalay siya kay Nikki Gil. Hindi naman porke sinabi ni Billy na lost siya at hahanapin niya ang sarili eh dapat nang pagdudahan ang kanyang sexuality.

So very cheap ang isyu na hindi ko sana papatulan pero umiral ang pagkairita ko sa mga tao na trying hard sa pang-iintriga kay Billy.

’Yan ang mga tao na walang magawa, inaabuso ang paggamit sa Twitter na may advantage rin dahil lumilitaw ang kanilang mga kabobohan. Comment sila nang comment. Ang ending, ang mga sarili ang kanilang ipinapahamak dahil sa kanilang mga katsipan at non-sense comments.

Bading na version ni Eugene ipangtatapat kay Vice Ganda

Best supporting actor sa New Breed category ng Cine­malaya si Joey Paras dahil sa role nito sa Babagwa.

Bida na rin si Joey sa pelikula dahil siya ang lead star ng Bekikang ng Viva Films. Sa October ang showing sa mga sinehan ng launching movie ni Joey na itatapat daw kay Vice Ganda.

Pinagsasabong sina Vice at Joey na parehong mga contract star ng Viva Films. May mga nagsasabi na kung si Vice ang gay AiAi delas Alas, si Joey daw ang gay Eugene Domingo.

Sasakyan ni Maritoni Fernandez binangga ng bus

Nabangga kahapon ng bus ang sasak­yan ni Maritoni Fernandez. Sakay ng kotse ni Maritoni ang kanyang anak na si Liam, ang yaya, at driver nito.

Nagpapasalamat si Maritoni dahil nakaligtas sa kapahamakan ang kanyang anak at mga kasambahay.

Nanggigigil naman siya sa driver ng Original Transit Cooperative na nagpang­gap na inosente, kahit kitang-kita na ka­alanan niya ang lahat.

Hindi nawawalan ng aksidente sa EDSA na kinasasangkutan ng mga bus driver. Ang mga bus ang isa sa mga dahilan kaya naging malaking parking lot na ang EDSA. Ito ang reaksiyon ni Maritoni sa naganap na aksidente:

 â€œThank you for all the concern and outpouring love. All is well. My Liam is good as new...playing already. Yaya is resting and my faithful driver Mode is chasing down all the requirements for insurance and repairs. Am overflo­wing with thankfulness that nothing bad happened to any of them. “Bus company is ‘Original Transit Cooperative’ who was over hanging with passengers (as usual) and didn’t see my zoom zoom car beside him daw.

“There really should be stricter implementation to the rules for buses and drivers should be jailed for not abiding by them. They apparently don’t even have any comprehensive insurance. Hay...”

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

EUGENE DOMINGO

MARITONI

MARITONI FERNANDEZ

ORIGINAL TRANSIT COOPERATIVE

VICE GANDA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with