^

Pang Movies

AiAi enjoy sa paglalaba at pagluluto sa Amerika

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa July 22 ang balik ni AiAi de las Alas sa Pilipinas.  Sa ngayon enjoy pa rin siya sa Tate kung saan kasama niya ang tatlong anak.  Nagi-enjoy daw siyang magluto, maglaba at magplantsa ng mga gamit sa kanyang mga anak. Ito talaga ang dapat niyang pagsilbihan kaysa lalaking ginagamit lang siya.

Nagreklamo si Jed Salang kamakailan sa pagpapainterbyu daw ni AiAi sa mga reporters gayung may gag order silang dalawa.  Pero sabi ni Ai Ai, normal lang siyang mainterbyu dahil artista siya pero wala siyang sinabi tungkol sa kanilang marital conflict.

Christian kinalasan ng gf dahil sa pagpi-flirt kay Rachel Anne?!

Paano ba namang hindi hihiwalayan ni Carla Dunareanu si Christian Bautista e panay pa rin ang pa-charming sa ex gf na si Rachel Ann Go.  Tuwing magdu-duet sila on stage ni Rachel ay mukhang enjoy na enjoy si Christian.  Dumagdag pa ang hiyawan at kilig factor ng audience sa kanila na feeling sabik si Christian kay Rachel.

Sinabihan na nga ni Carla si Christian na ‘wag nang magdidikit ito kay Rachel Ann, pero ayaw itong paawat.  Type rin kasi niya at ginagamit din niya ‘yung kanyang ex hanggang ngayon para makatulong sa career niya?.

Tama o mali?

Hikaw ni BB hindi keri ni Carmina?!

Sa latest interbyu ng king of talk na si Boy Abunda kay BB Gandanghari, tiniyak nitong wala siyang sakit na nakakahawa kaya siya naospital kamakailan.  Wala siyang AIDS. At magaling na siya ngayon at handang-handa na sa kanyang concert sa August 2-3 sa Music Museum.  This time daw, manunuod lahat na mga kapatid niya kasama pa si Robin Padilla.

Tanggap na talaga siya ng buong pamilya.

Ewan lang namin kung tanggap na rin siya ni Carmina Villaroel na kanyang ex-wife noong Rustom Padilla pa siya.  Pwede kayang makapag-hikaw ng ganun kalaki si Carmina gaya ng kay BB?  

 

vuukle comment

AI AI

BOY ABUNDA

CARLA DUNAREANU

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

CHRISTIAN BAUTISTA

JED SALANG

MUSIC MUSEUM

RACHEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with