^

Pang Movies

Male celebrity sa balita lang nalaman na sibak na ang kanyang programa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang masama raw ang loob ng male celebrity na ito dahil malapit na siyang maging jobless. Nagulat na lang siya nang biglang ibalita sa kanya na tsutsugiin na ang kanyang show.

Noong una ay hindi ito naniwala dahil ang alam niya ay maraming sumusuporta sa kanyang show. Pero nakumpirma nga niyang sisibakin na ang kanyang show dahil kahit na sinusuportahan ito ng marami, hindi naman ito kumikita at hindi pa nababawi ang mga nagastos dito mula nang umere ito.

Ang masama pa nga raw ay hindi pa sinabi kay male celebrity ng harap-harapan at nalaman pa niya ito mula sa ilang mga staff na nag-uusap. Pinarating sa kanya ng kanyang assistant at doon na nagsimulang makiramdam ang male celebrity.

Naghintay lang ito na may magsabi sa kanya ng pormal pero sa isang news sa diyaryo pa niya nalaman. Kaya naglakas na siya ng loob na magtanong at nahirapan pa raw na i-explain sa kanya kung bakit kailangan matsugi ang show.

Ang ikinalulungkot pa ng male celebrity ay ang mga mawawalan ng trabaho kapag nag-end na ang palabas. Ang dami pa naman sinusuwelduhan ng show at biglang mawawalan sila ng trabaho. Damay nga raw ang show nila sa pagbabawas ng naturang network sa mga babayarang tao.

Kahit todo ang paghuhubad Althea hindi nakaramdam ng pangma-manyak ni Markki

Kahit nga raw ang daming sex scenes ng indie actress na si Althea Vega kasama ang singer-actor na si Markki Stroem sa Cinemalaya Independent Film Festival entry na Amor y Muerte, maganda raw ang mga shot at maganda ang pagkakadirek ni Ces Evangelista.

Para naman kay Althea, wala namang problema sa kanya ang mag­hubad sa harap ng kamera dahil sanay na siya. Sa naturang indie film ay meron pa siyang frontal nudity.

 â€œHindi sila dapat kukurap or else mami-miss nila,” tawa pa ni Althea.

Pero say pa ng indie film star, mabilis lang ’yung eksenang iyon. Ayaw daw kasi ni Direk Ces na nakababad dahil ingat din siya sa sasabihin ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

“Kahit na ang mga sex scene namin ni Markki, i­ngat na ingat siya sa mga anggulo. Ayaw niyang lumabas na parang porno ang movie namin,” sabi ni Althea.

Dahil nga sa maraming sex scenes nila ni Markki, wala ba siyang naramdaman na sobrang na-turn on na ang singer-actor sa kanya?

“Gentleman si Markki. Napaka-professional. Never siyang nag-take advantage sa mga eksena namin kasi mararamdaman ko naman kung iba na ang kinikilos niya, ’di ba?”

Pamangkin ni Julia Roberts nangagat at pinadugo ang ilong ng boyfriend sa sobrang galit!

Nakunang umiiyak ang pamangkin ni Julia Ro­berts na si Emma Roberts pagkatapos itong maaresto dahil sa kasong domestic violence. The 22-year-old actress was arrested in a hotel in Montreal, Canada last July 7 dahil sa pananakit nito sa kanyang boyfriend, ang aktor na si Evan Peters na lumalabas sa series na American Horror Story.

Nakunan na dumudugo ang ilong ni Evan dahil sa pananakit ni Emma sa kanya. Meron nga rin daw bite marks sa katawan ang aktor. Pero hindi niya kinasuhan ang girlfriend.

Ayon sa Us Weekly magazine, sobrang nagmamahalan ang dalawa kaya minsan ay nauuwi sa matinding away ang samahan nila.

vuukle comment

ALTHEA VEGA

AMERICAN HORROR STORY

AYAW

CES EVANGELISTA

DAHIL

KAHIT

MARKKI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with