^

Pang Movies

Pagkatigok ng show ni Amy ikinatuwa ng ibang fans, puro lang naman daw awayan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naman nabagabag ang marami noong mabalitaang matitigok na ang Face to Face ni Amy Perez. Katuwiran nila, pulos naman pag-aaway at pag-aagawan sa lalaki ang napapanood nila. Mabuti sana kung kamukha man lang ni Dingdong Dantes o Piolo Pascual kaya ang pinag-aawayan ng participants. Kaso mukhang ewan!

Dapat hindi rin Face to Face ang title ng show kundi High Blood show! Palagi kasing nagsisigawan at nag-iismiran ang mga gumaganap. Saan ba nakokontak ni Amy at ng staff ang mga lumalabas sa show niya?

Vivian napapansin sa Maria Mercedes

Higit na napapansin ang tindi ng karisma ng beauty at acting ng balik-showbiz na si Vivian Velez sa Maria Mercedes ng ABS-CBN. Bago gawin ang teleserye ay talagang niligawan muna ang aktres na matagal nagpahinga para sa role na iyon. Parang tailormade daw talaga kay Vivian ang naturang papel.

May iba namang makukuhang aktres pero iba pa rin ang tindi ng kaseksihan at asim pa ni Vivian. Naging Miss Body Beautiful siya noong hindi pa uso ang pagdyi-gym.

Toni hindi rin nagpapalit ng damit

Habang tumatagal, umiinit ang labanan ng mga talented performer ng Voice of the Philippines. Masuwerte ’yung mga napupuri nina Lea Salonga, apl.de.ap, Sarah Geronimo, at Bamboo.

Magpapalit na kaya sila ng damit ngayong Linggo? Take note, pati ang host na si Toni Gonzaga ay napansin ding iisa ang suot sa naturang show.

                                                                                    

vuukle comment

AMY PEREZ

DINGDONG DANTES

HIGH BLOOD

LEA SALONGA

MARIA MERCEDES

NAGING MISS BODY BEAUTIFUL

PIOLO PASCUAL

SARAH GERONIMO

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with