^

Pang Movies

Jolo sure nang pakakasalan si Jodi bago matapos ang taon

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siguradong pakakasalan na this year ni Jolo Revilla si Jodi Sta. Maria dahil ’yun ang pangako niya, matapos lang ang eleksiyon at manalo siyang vice governor ng Cavite.

Ang nakakaloka, ’yung nakalaban niya sa pagka-bise, si Jay Lacson, ay kapatid ni Pampi Lacson na ex-husband ni Jodi.

Sa anumang pangyayari, laging nangingibabaw ang pag-ibig at sinusunod lang palagi ang damdamin. Sa suportang ibinibigay ni Jodi kay Jolo patunay lang na may seryoso ang kanyang pagtatangi sa binata ni Sen. Bong Revilla, Jr. At si Jolo, nagsisikap namang mapa-angat ang sarili at maging responsable.

Julie Anne ala-Aiza na,

Frencheska pumiyok!

Kaalyado na rin ni Julie Anne San Jose sina Aiza Seguerra at Charice. May gusto kasi si Julie Anne kay Frencheska Farr na mismo ang huli ang nagbuking sa concert ng una sa Music Museum.

Ang ibig bang sabihin nito, ’yung pag-iibigan nina Julie Anne at Elmo Magalona ay put-on lang?

Goma may makukuhang tip kay Angelica Jones

For the nth time, natalo na naman sa halalan si Richard Gomez. Hindi naman kasi siya talaga na taga-Ormoc, paano nga siyang mananalong mayor?

In the past, nag-party list si Goma, ’yung MAD – Mamamayan Ayaw sa Droga — talo. Nag- senador, talo rin. Nag-congressman sa Leyte, disqualified, pinalitan ni Lucy Torres at nanalo. At ngayon nga, nagbalak mag-mayor sa Ormoc naman pero talo rin.

Gayahin na lang ni Goma ang ginawa noon sa Laguna ni Angelica Jones. Nang matalo si Angelica, hindi siya tumigil sa katutulong sa mga taga-Laguna. Kaya nang kumandidato na siyang muli bilang bokal, nanalo na siya.

                                                                               

 

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGELICA JONES

BONG REVILLA

ELMO MAGALONA

FRENCHESKA FARR

GOMA

JAY LACSON

JODI

JULIE ANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with