^

Pang Movies

Senior actress nakakawindang ang hitsura nang magpa-botox!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halatang-halata raw ang botox sa mukha ng isang kilalang senior actress. Kasi naman, kitang-kita ang pagbabago sa hitsura niya kumpara nu’ng younger days niya na fresh-fresh-an talaga ang dating niya, huh!

Eh, ‘yung make up na inilagay sa mukha niya, may kaitiman pa kaya lalong nawindang ang mga nakapansin sa aktres! Lalo tuloy siyang naging matanda ang hitsura!

Bothered nga ang mga may nagmamalasakit sa aktres dahil baka hindi mapansin ang husay nito sa pag-arte kapag inilabas na ang pelikulang ginagawa. Kasi nga, baka hindi lumutang ang emosyon nito kapag umaarte dahil sa botox, huh!

Gov. Vilma nag-iikot sa Batangas kahit walang kalaban

Walang-patid na suporta ang natanggap ni Governor Vilma Santos-Recto sa mga kaibigan niya sa showbiz na naglaan ng oras upang ikampanya siya sa re-election bid niya bilang Batangas governor. Katiket niya sina Christopher de Leon na kandidato ngayong congressman, dati siyang Board Member, at si Joko Diaz na Board Member naman ang tinatakbuhan.

“Mga kaibigan ko sa industry sa tumulong at naglaan ng oras para maipakita ang tiwala at pagmamahal sa akin…Jun, maraming salamat sa kanila…” text sa amin ni Gov. Vilma nang kumustahin namin ang kanyang kampanya.

Ilan sa kaibigan ni Gov. Vi na na naging bahagi ng campaign sorties niya ay sina AiAi de las Alas, Pokwang, Vice Ganda, Marian Rivera, Tirso Cruz III and wife, Lyn, Noel Cabangon, ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian, husband Senator Ralph Recto at ang kanyang mga Vilmanians!

“Sila ang nakasama ko sa loob ng 45 days ng kampanya!!! Sa mga press na katulad mo, Jun (pero iba ka). ‘Di mo ako nakakalimutan! I love u, Jun and again, maraming salamat! And to all my friends and family!” saad pa ng gobernadora sa text niya.

Gusto ring pasalamatan ni Gov. Vilma ang mga Batangueño na nagbigay ng oras upang makadalo sa kanyang rallies kahit madaling-araw na!

Unopposed man sa labanan nga­yong Lunes, iniikot pa rin ni Governor Vilma ang lahat ng lugar na kinasasakupan upang muling ihayag ang kanyang plano sa Batangas sa susunod na tatlong taon!

Regal produ kuntento na sa kinita ng The Bride and The Lover

Abala man si Mother Lily sa mga sinusuportahang senatoriables, hands on pa rin naman siya sa pelikula ng Regal na The Bride and the Lover na showing pa rin ngayon. Maganda kasi ang feedback sa Joel Lamangan movie particularly ‘yung sagupaan nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado na isa sa highlights ng movie.

Hindi man kalakihan ang kinikita nito, kuntento na si Mader na pinapasok ng tao ang movie. Wala na siyang hangad kumita nang milyun-milyon sa kada movie. Basta huwag lang malugi hiling niya na natutupad ngayon sa The Bride and the Lover!

 

vuukle comment

BATANGAS

BOARD MEMBER

BRIDE AND THE LOVER

GOVERNOR VILMA

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

JENNYLYN MERCADO

NIYA

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with