Pops gulat na mga bagets ang kanyang mga manliligaw

MANILA, Philippines - Nagtataka mismo si Pops Fernandez kung bakit daw halos kaedad ng kanyang mga anak ang mga nanliligaw sa kanya ngayon. Nagkakatuwaan tuloy sila ng kanyang mga amiga. May nagsabi kasi na baby face raw si Pops at looking bagets kasi.

Hindi nila naririnig ang mga comment ng ilang mahadera na gusto lang siyang gawing sugar mommy ng mga manliligaw, tulad ng mga bading na kinakuwartahan ng mga bagets kapalit ng pag-ibig.

Ang ganda ni Pops ha?

Aimee nag-regalo ng album sa matandang fan

Galing Guimaras Island sa Iloilo ang original singer ng Pusong Bato na si Aimee Torres. Nag-mall show doon kamakailan si Aimee at grabe raw ang dami ng mga kababayan niyang tagahanga ang sumalubong sa kanya pagdating pa lang sa bukana ng mall doon.

Isang matanda naman ang halos nagpupumilit na lapitan siya noong kumakanta na sa stage. Nakita siya ni Aimee at nilapitan na lang ang senior citizen na tagahanga. 

Binigyan niya ito ng libreng abum na pino-promote niya sa bawat pinupuntahang show. Iyon na ang regalo niya sa matandang fan.

Sa kasalukuyan ay tinatapos na niya ang bagong album.

Show comments