^

Pang Movies

Anak ni Marjorie namana ang hitsura at kilos ni Gretchen!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pormal nang ipinakilala sa entertainment press ang bagong batch ng Star Ma­gic talents ngayong 2013 at ngayon pa lang ay kanya-kanya nang hulaan kung sinu-sino ang sisikat sa kanila.

Anim na lalaki at anim na babae ang bumubuo sa Star Magic Circle 2013 at sila ay sina Julian Estrada (17), Alex Diaz (17), Ingrid dela Paz (18), Jerome Ponce (17), Jane Oineza (16), Jon Lucas (17), Janella Salvador (14), Julia Barretto (15), Khalil Ramos (16), Liza Soberano (15), Kit Thompson (16), and Michelle Vito (15).

In fairness sa kanila, mukhang lahat naman ay may “K” lalo na nga pagdating sa looks. Sa talent na lang magkakatalo although ang ilan ay napapanood na rin naman natin ngayon sa ibang programa ng ABS-CBN kaya more or less ay may ideya na ang viewers tungkol sa kanila.

Pero sa 12, ngayon pa lang ay may edge na ang mga showbiz royalty na sina Julia, Julian, and Janella dahil siyempre sikat ang kanilang parents.

Si Julian ay anak ni Sen. Jinggoy Estrada and Precy Vitug, si Julia naman ay pamangkin nina Gretchen and Claudine Barretto at ang parents niya ay sina Marjorie Barretto and Dennis Padilla. Janella is the daughter of Jennine Desiderio and Juan Miguel Salvador.

Sa presscon/launching, nakatawag agad ng pansin si Julia dahil malaki ang similarities niya sa kanyang Tita Gretchen lalo na sa kilos at boses. Ang ganda niyang magsalita at marunong ding sumagot tulad ng Barretto sisters.

Natawa naman kami kay Julian nang tanungin kung sino ang gusto nilang ga­yahing artista dahil ang sagot niya ay hindi ang kanyang ama kundi ang kanyang lolo na siyempre kasi raw ay naging politiko na agad ang ama niya.

Si Khalil naman, nagmarka ang rebelasyon niyang ultimate crush niya si Julia.

Sa six girls, pinakagusto namin ang beauty ni Liza na half-Pinoy, half-American. Sa totoo lang, muk­ha siyang manika at pang-beauty queen ang dating sa kanyang height na 5’6”. Kasama siya sa pelikulang Must Be… Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na showing na sa March 13.

Sa boys naman, pagdating sa popularity, medyo may edge na si Jerome dahil sa kanyang role bilang Luke sa Be Careful With My Heart at sinasabi ring lookalike siya ng Thai superstar na si Mario Maurer.

 

vuukle comment

ALEX DIAZ

BE CAREFUL WITH MY HEART

DANIEL PADILLA

GRETCHEN AND CLAUDINE BARRETTO

JANE OINEZA

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JENNINE DESIDERIO AND JUAN MIGUEL SALVADOR

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with