^

Pang Movies

Biglang nalaos Gangnam nasapawan na ng Harlem Shake!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong makita namin ang reaksiyon ng mga nakapanood ng concert ng Koreanong rapper na si Psy, at marinig namin ang kanilang comments, alam na na­ming hindi magtatagal at malalaos na rin siya sa Pilipinas. Actually, nakita naman simula pa lang na hindi siya ganoon kalakas sa Pilipinas dahil ang sumikat lang naman dito ay ang nakakatawa niyang music video na Oppa Gangnam Style. Iyon lang naman talaga ang kanyang hit song.

Ang kanyang concert na ’yan, na dapat noon pa, ay na-postpone na nga. Hindi agad natuloy. Nakakatawa nga dahil ang lumabas sa mga diyaryo sa South Korea ay hindi raw natuloy dahil sa bad weather dito sa Pilipinas, na siyempre ay hindi naman totoo. Ang totoo, mabagal ang benta ng mga ticket nila kaya sila nag-postpone ng date dahil kung itinuloy nila iyon noong Disyembre ay lugi sana sila.

Noong mag-concert siya, halata mong disappointed ang mga tao, ganoon lang pala ang hitsura ni Psy. Matapos din nilang makita siyang mag-perform ng Gangnam style, wala na. Iyong iba niyang mga kantang Koreano, kahit na ipinaliwanag pa niya kung ano iyon, hindi pa rin naman naiintindihan ng mga tao nang kinakanta na niya.

Sinasabi nga ng ilang nanood, alisin mo si Psy at itira na lang sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, at Wally Bayola, ganoon din naman ang kasiyahan nila sa show.

Tama nga kami sa aming hinala dahil ilang araw pa lang ay sinasabi na ngayong wala na nga ang Gangnam Style dahil ang uso na ngayon ay ang Harlem Shake. Ganyan lang naman talaga ang novelty singers. Basta may lumabas nang bago, wala na sila. Hindi sila ang tipong tumatagal talaga.

vuukle comment

GANGNAM STYLE

HARLEM SHAKE

JOSE MANALO

LANG

NAMAN

NOONG

OPPA GANGNAM STYLE

PILIPINAS

PSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with