^

Pang Movies

Male singer kinasusuklaman ng dating kaibigan!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kuwento ng isang kaibigan ng male singer ay magkababayan silang dalawa sa isang probinsiya sa Cebu. Parang magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa nung maging magka-eskuwela sila sa high school.

Nag-aral ang male singer sa Maynila at mula noon ay hindi na sila nagkita pa.

Minsan ay nagbabakasyon ng Maynila ang kababayan ng male singer at nagpunta ito sa programa ng malaking network. Linggo ang show at excited ang kababayan ng male singer.

Nang labasan na ay inabangan niya ang male singer at kinausap ito pero waring iniiwasan siya. Gayun man, kinumusta niya pa rin at nakilala naman siya pero hindi na naging magiliw sa kanya.

“Hindi niya ako pinapansin at agad na nagpaalam. Lumaki na ang kanyang ulo dahil sa kasikatang tinamasa ngayon. Ang nagagawa nga naman ng tagumpay,” himutok pa ng kababata ng singer.

Denzel Washington nagpamalas uli ng galing

Mula sa direktor na si Robert Jemekis na nagdirek ng Who Framed Robert Rabbit, Back to the Future, at Forest Gump ay naghahatid ng isang madramang pelikula tungkol sa airline pilot na si Whip Whitaler na isinalba ang mga pasahero mula sa airplane crash sa pamamagitan ng piloting skills. Pero sa dakong huli, naakusahan siya na gumagamit ng droga at umiinom ng alak. Maganda ang daloy ng istorya na tumatalakay sa katauhan ni Denzel Washington bilang alchohol dependent.

Pinaka-highlight ay ang imbestigasyon na magpapatunay kung siya’y responsable sa plane crash.

vuukle comment

CEBU

DENZEL WASHINGTON

FOREST GUMP

GAYUN

KUWENTO

LINGGO

MAYNILA

ROBERT JEMEKIS

WHIP WHITALER

WHO FRAMED ROBERT RABBIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with