^

Pang Movies

Tsugi na rin sa serye Maricel malaki ang galit kay Gerald!

ISYU AT BANAT - Edd de Leon - Pang-masa

Nagiging issue ngayon na nasigawan diumano ni Maricel Soriano si Gerald Anderson sa harapan ng maraming mga tao sa taping ng kanilang seryeng Bukas na Lang Kita Mamahalin. Mukhang may isang eksenang kinukunan na hindi makuha ni Gerald ang gustong acting ng kanilang direktor kaya kailangan ang ilang retakes.

Mukhang nairita naman dahil dito ang Diamond Star at nasigawan si Gerald na “Ikaw ang cause of delay dito.”

Mukhang napahiya naman ng todo si Gerald. Hindi naman sinabing nag-walk out siya pero may mga info na nagsabing na-pack up ang taping dahil sa pangyayaring iyon.

Pero tahimik lamang ang mga taga-ABS-CBN sa mga pangyayari.  Walang gustong magkuwento. Walang gustong magsalita. Pero karaniwan na naman ’yan sa mga produksiyon. Hanggang maaari, ayaw nilang lumaki ang mga ganyang gulo. Gusto nilang maayos din dahil kung hindi ay isipin na lang n’yo ang napakalaking malulugi sa kanila kung hindi matutuloy ang proyekto dahil lamang sa ganyang dahilan.

Siguro nga sumama ang loob ni Gerald. Sino ba naman ang hindi kung matatarayan ka? Pero kailangang isipin din naman natin ang human factor eh. Maaaring pagod na rin naman si Marya sa mga oras na iyon, at alam naman natin ang ugali niya maski na noon pa eh. Magtataray nga siya at masakit pakinggan pero bale wala sa kanya iyon. Natural na sa kanya iyon. Hindi naman siya talagang galit. Kaya nga kadalasan misunderstood si Marya. Hindi ba may panahon pa ngang naakusahan siyang nagmaltrato ng mga katulong?

Pero kung titingnan mo kasi ang ugali ni Marya, sa kanya minsan may nasasabi nga siyang masakit pakinggan pero hanggang doon lang naman iyon. Lahat ng mga nakasama niya ay magsasabing maaaring magalit siya pero pagkatapos naman ay wala na.

Kaya lang, ang latest ay hindi na makakasama sa serye ang aktres. Narito ang inilabas na official statement ng Kapamilya Corporate Communications: “Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano that transpired on the first taping day of Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled.”

vuukle comment

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

DIAMOND STAR

GERALD ANDERSON

MARICEL SORIANO

MARYA

MUKHANG

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with