^

Pang Movies

Derek no comment na sa kotse at bank account ni Angelica

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Talagang superhero ang trato kay Derek Ramsay sa trade launch ng TV5 kamakailan sa Resort World dahil talagang bongga ang kanyang production number para sa pambatong palabas ng Kapatid Network na Kidlat.

Inamin ni Derek na Iron Man fan siya kaya ini-enjoy niya ang kanyang role bilang superhero lalo na raw ang kanyang costume na feel na feel ng aktor.

Alaga rin ng hunk actor ang buong production team na binubusog niya ng pagkain sa set. Katuwiran ni Derek na siya lang ang bida pero thankful siya sa buong cast, crew, at direktor dahil sila rin ay naghihirap kung bakit maganda ang pagtangkilik sa kanyang fantasy-drama series. Kaya super enjoy silang lahat sa oras ng kanilang trabaho sa set ng Kidlat.

Samantala, ayaw nang mag-comment ng aktor tungkol sa pagbebenta ni Angelica Panganiban ang regalo niyang kotse. Ayaw ding sagutin ni Derek kung napaghatian na nila ng kanyang ex-girlfriend ang kanilang joint account dati.

“Masaya na siya, guys. Over a year na since then and I have no problem with her. Again, hindi ako lalaban sa babae, period. Hayaan na natin siya. Let’s move on,” pakiusap ni Derek na tantanan na sila ang kanyang ex-GF.

Ngiti lang din ang sagot ni Derek sa tukso ng press na excited siya sa pagdating ni Cristine Reyes sa party ng TV5 after ng trade launch dahil special date ni Kidlat ang aktres na espesyal niyang inimbita. 

Katuwiran naman ni Derek, at least daw si Cristine ay talagang kilala niya sa lahat ng nali-link sa kanya. Hindi raw tulad nina Sam Pinto at Jessy Mendiola.

“Bakit puro sila mapuputi?” pasigaw na tanong ni Derek pero nakangiti.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

IRON MAN

JESSY MENDIOLA

KAPATID NETWORK

KATUWIRAN

KIDLAT

RESORT WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with