^

Pang Movies

Meg nahiya nang mapanood ang teaser ng pelikula sa sinehan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinakabahan na ang Viva artist na si Meg Imperial dahil malapit nang ipalabas ang launching film niya na Menor de Edad.

Kuwento ni Meg na noong manood sila ng kanyang parents sa Eastwood Cinema sa Quezon City last Christmas ay ipinakita na ang teaser trailer ng kanyang pelikula.

Para ngang nahiya si Meg dahil ang sexy ng pagka­kagawa ng kanyang teaser. Ang nakakatawa pa raw ay nakilala siya ng mga tao na kasama nilang pumasok sa sinehan.

 â€œParang gusto kong magtago kasi hindi namin ini-expect na ipapalabas na nila ‘yung teaser ng Menor de Edad sa showing ng One More Try.

 â€œKaya nagulat ako kasi parang hindi ako ‘yung nasa teaser. Hindi ko halos nakilala ang sarili ko kaya parang nahiya ako,” natatawang kuwento ng young star na magbibida na.

Pero nawala na ang nerbiyos ni Meg dahil alam niyang magandang lalabas ang pelikula niya dahil si Joel Lamangan ang nagdirek sa kanya.

Inamin ni Meg na kinabahan siya kay Direk Joel pero noong nagsisimula na sila ay sobrang bait pala nito.

 â€œAkala ko kasi tatarayan ako ni Direk Joel kasi may mga naririnig na akong mga kuwento about him. Pero complete opposite dahil ang bait-bait niya sa set at napakalumanay magbigay ng directions.

 â€œKaya sobra naman akong natuwa dahil nabigyan ako ng chance to work with such a wonderful and kind-hearted director at sinuportahan pa ako ng mahuhusay na artista tulad nina Ara Mina, Chynna Ortaleza, Jaycee Parker, at Wendell Ramos,” sabi pa ni Meg.

Yasmien hindi nagpahuli kay Katrina

Noong January 2012 pa namin huling nakita at nakausap si Yasmien Kurdi. Ito ay noong kumalat ang balitang nagpakamatay ang ka-batch nila sa Starstruck na si Tyron Perez.

That time ay abala pa si Yasmien sa kanyang nur­sing studies at karelasyon na niya ang flight attendant na si Rey Soldevilla, Jr.

Matagal na naming nakilala ang naging mister ni Yasmien. Three years ago ay tila dini-deny pa ng aktres na boyfriend niya ‘yun at close friends lang sila. Pero ngayon ay one happy family na sila dahil may anak na sila na pinangalanan nilang Ayesha.

Marami ang nakaka-miss kay Yasmien lalo na nang mag-decide na magpahinga muna sa showbiz at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Maganda naman ang naging desisyon ni Yasmien dahil malapit na nga siyang matapos sa kanyang kurso. At least, nawala man sa eksena sa showbiz si Yasmien, marami pa ring nakakakilala sa kanya.

Hindi malilimutan ng marami ang mga naging role ni Yasmien sa mga GMA 7 drama series tulad na lang nang pagganap niya bilang si Charming sa Bakekang. Naging top-raters din ang mga series niya na Encantadia, Babangon Ako’t Dudurugin Kita, Pasan Ko ang Daigdig, Saan Darating ang Umaga? at Pati Ba Pintig ng Puso.

Huli siyang lumabas bilang kontrabida sa Grazilda at nagkaroon siya ng guest role sa Amaya.

Nagkaroon din ng hit album si Yasmien na In The Name of Love at matagal na naging hit ang singles niya na In The Name of Love, One Day, Even If, and Love Is All We Need.

Marami ang naghihintay kung kelan muling magiging aktibo si Yasmien sa showbiz dahil marami pa rin siyang fans. Pero dahil kapapanganak lang niya, natural na mas uunahin niya ang pag-asikaso ng kanyang pamilya.

Pareho nga sila ng ka-batch niyang si Katrina Halili na nanganak ng taong 2012. Pareho ring babae ang mga anak nila.

Wala nang maibayad Lindsay pinapalayas na sa inuupahang mansion na $8K kada buwan

Pinaalis na nga si Lindsay Lohan sa kanyang inuupahang bahay sa Beverly Hills sa California, USA.

Ayon sa report, hirap nang magbayad ang Hollywood actress para sa kanyang $8,000 a month rent sa tinitirhan niyang Beverly Hills mansion.

Kasalukuyang nasa London, England si Lindsay at lalabas siya sa Celebrity Big Brother kaya walang makuhang komento mula sa kanya.

Ayon sa Hollyscoop, may isang realtor na ipinapakita na ang mansion sa potential buyers/tenants. Sinasabi nito na ang huling tumira roon ay si Lindsay Lohan.

Kelan lang ay na-feature ang mansion sa show na Million Dollar Decorators at inayos sa halagang $200,000. Kasalukuyang ipapalabas pa lang ang naturang feature sa Bravo network.

Nagtaka lang ang mga producer ng show dahil noong matapos na nilang i-redecorate ang mansion ni Lindsay, hindi na ito nakipagkita o nakipag-usap sa kanila. Unlike noong umpisa ay sumasama pa sa kanila na mamili ng furniture at magbigay ng specific instructions sa ano ang mga gusto niya.

Hindi nga naging maganda ang taong 2012 kay Lindsay dahil sa mga sunud-sunod niyang mga naging problema at kaso. Dahil sa kakapusan niya ng pera, kinailangan pang tulungan siya ni Charlie Sheen na bayaran ang utang niya sa tax na umabot na sa $233,904.

 

vuukle comment

BEVERLY HILLS

DAHIL

DIREK JOEL

KANYANG

LINDSAY

NIYA

PERO

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with