^

Pang Movies

Aktres gusto pang mag-theater tour kahit first day-last day ang pelikula

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Mabait ang magandang aktres na ito. Gusto niyang makatulong sa prodyuser ng kanyang pinagbibidahang pelikula. Gusto niyang mag-theater tour sa mga sinehan kung saan siya ang bida. Kaso first day-last day na ng pelikula kaya sinabihan na lang siya ng malapit na kaibigan na huwag na niyang gawin iyon dahil baka pagkaguluhan siya ng mga tao kasi nag-iisa lang siya.

Pero ang totoo, hindi tinao ang sinehan na pupuntahan sana ng aktres dahil ipu-pull out na ang pelikula kinabukasan.

Daniel nagka-career na

Inamin ni Daniel Matsunaga na gusto niyang lumawig pa ang friendship nila ni Kris Aquino. Hanga siya sa ganda ni Krissy at sinabing close siya sa mga anak nito.

Gumanda ang career ni Daniel nang lumipat sa TV5 at ang New Year’s resolution ay pagbubutihan pang lalo ang trabaho bilang artista.

Phil lucky charm ni Angel

Masaya ang Pasko nina Angel Locsin at Phil Young­            husband dahil magkasama silang ipinagdiwang ito. Very vocal sa pagsasabi si Phil na kuntento na siya sa relasyon nila ni Angel at gusto niyang siya na ang makasama nito habang buhay. Gayun din naman si Angel dahil magkasundo sila sa maraming bagay.

Meron na ba silang wedding plans?

Sabi ng aktres, “Wala pang wedding plans pero may mga plano na kami sa hinaharap. Si Phil ang nagbibigay sa akin ng suwerte dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin.”

Parehong mapalad sina Angel at Phil sa kani-kanilang respective career.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DANIEL MATSUNAGA

GAYUN

GUMANDA

KRIS AQUINO

NEW YEAR

PHIL YOUNG

SI PHIL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with