^

Pang Movies

Away nina John Lloyd at Angelica ibinuko ni Dingdong! Dingdong at Zanjoe, takot pag nanahimik sina Marian at Bea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pabirong ibinuking ni Dingdong Dantes ang katambal na si Angelica Panganiban na hindi totoong hindi sila nag-aaway ng boyfriend na si John Lloyd Cruz (JLC). Nag-guest kahapon sa Kris TV sina Angelica, Dingdong, at Zanjoe Marudo to promote their coming Metro Manila Film Festival entry na One More Try. Nakakatuwa dahil naging topic muna ni Kris ay ang relasyon ng tatlo sa kani-kanilang sweetheart na hindi naman nila katambal sa movie na dinirek ni Ruel Bayani.  Wala si Angel Locsin na special guest ni Kris sa Dec. 24 episode ng Kris TV.

Sa tanong nga ni Kris kung gaano kaganda ang samahan nina Dingdong at Marian (Rivera), Zanjoe at Bea (Alonzo) at Angelica at JLC, sinabi ni Angelica na hindi raw sila nag-aaway ni JLC since naging sila more than five months ago, sabi ni Dingdong, nag-away daw sina Angelica at JLC sa telepono noong nagsu-shooting sila, dahil sa pagkain nito ng lechon. Natawa si Angelica at sinabing may lechon nga raw sa set at marami siyang nakain, nalimutang may heart ailment siya, at sumakit at nahilo siya. Sinabihan siya ng mga kasama na hinay-hinay sa lechon kaya nagsumbong daw siya kay JLC na inaapi siya ng mga kasama sa set. Nang malaman ni JLC na dahil sa pagkain ng lechon, kahit ang boyfriend ay nagalit sa kanya. Pero ganoon daw lamang sila ni JLC, nagtatampuhan dahil sa pangungulit nito na madalas ay dahil mang-amoy ito ng armpit niya.

Pareho naman sina Dingdong at Zanjoe na gusto sa mga girlfriends nila ay walang make-up kung sila lamang dalawa ang magkasama, ganoon din si Angelica na kapag kasama niya si JLC, hindi siya nagmi-make-up dahil sabi raw nito mas maganda siya kung walang make-up.  Kinatatakutan din pala nina Dingdong at Zanjoe kapag tahimik ang kani-kanilang gf. Pero hindi nila pinapayagang hindi aminin kung bakit sila tahimik which is unusual.  Kiss daw lamang, ngingiti na sila.

Tinanong ni Kris si Dingdong kung kaya nito ang back-to-back best actor award.  Last year kasi, nanalo si Dingdong sa MMFF 2011 ng Best Actor award sa movie nila ni Kris na Segunda Mano. Hindi raw niya ini-expect ang award, basta siniguro lamang niya na nagampanan niya ang role niya bilang si Edward, unang boyfriend ni Grace (Angel Locsin) at nagkaroon sila ng anak.  Pareho na silang may sari-sariling buhay dahil asawa na ni Edward si Jacqueline at si Grace kay Tristan (Zanjoe). Pero nagkasakit ang anak nina Edward at Grace, si Botchok (Miguel Vergara) at ang makakasagip lamang sa buhay ng bata ay ang muli silang mag-anak.  Papayag ba ang makapangyarihang si Jacqueline na muling makipagrelasyon ang asawa kay Grace?  At si Tristan, papayag ba siyang muling magkalapit sina Edward at Grace?  Magsasakripisyo ba silang lahat para lamang mailigtas ang buhay ni Botchok?

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEST ACTOR

BOTCHOK

DAHIL

DINGDONG

JLC

PERO

SILA

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with