^

Pang Movies

Mark idinenay na pakakasalan na si Ynna

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung titingnan ngayon si Mark Herras, bakas sa kanyang mukha ang katotohanang masaya ang kanyang buhay. Siguro totoo nga ang sinasabi ng iba na medyo bumaba ang kanyang popularidad kesa noon pero natural lang naman iyon at masasabi ngang ngayon ay iyon na ang tunay. Iyon na ang katayuan niya bilang isang star.

Natural lang kasi na basta bago ang isang artista ay mataas agad ang kanyang popularidad pero pagkatapos ay unti-unti ring bababa at doon na masusukat kung ano nga ang katayuan niya bilang isang star. Wala na kasi ang excitement eh. Talagang nakikita na ng fans kung ano ang talent niya, at kung ano ang ugali niya. Masasabi ngang ang kanilang paghanga ay nagkakaroon na ng basehan.

May tsismis nga pala tungkol kay Mark lately. May balak na raw silang pakasal ng kanyang girlfriend na si Ynna Assistio. Sinabi naman ni Mark na going strong pa rin talaga ang kanilang relasyon pero wala pa silang planong magpakasal sa ngayon.

Signage ng One More Try pinag-iinteresan na sa sinehan

Nadaan kami sa isang mall at nakita namin sa isang sinehan ang isang marquee ng pelikulang One More Try. Impressive. Maganda ang pagkakagawa at ewan nga ba kung bakit, parang ang gaganda ng mga artista sa pelikulang iyon.

Napansin din namin, maraming tumitingin doon at may nagpapakuha pa ng pictures sa harapan ng signage o marquee, mukhang diyan pa lamang ay masasabi na ngang maraming interesado sa kanilang pelikula.

Marami rin nga ang nagsasabing ang isa pang nakakatawag ng pansin sa pelikula ay ang paggamit nila ng mga mabibigat na salita sa kanilang trailer. Talagang halata mong pinili nila ang mga eksenang may mabibigat na dialogue at iyon ang inilagay sa trailer para matandaan ng audience.

Masasabi ngang nasa pelikula ang lahat ng ele­mento ng isang hit movie.

Pero maaari ba siyang maging top grosser? Sa palagay namin, kahit na iyon ang kanilang ina­asam, ay malabo silang maging No. 1 sa paparating na film festival. Nakagawian na nga kasi ng mga tao na ang kanilang pinanonood kung may festival ay mga pelikulang comedy. Kahit kailan naman laging lamang ang mga pelikulang nagpapatawa sa takilya eh.

Pero ang One More Try ang tipo ng drama na kikita talaga. Makaka-relate ang mga tao sa kuwento ng kanilang pelikula. Hindi kagaya sa ibang filmfest entry na drama na nga ay pinipilit pang mas idrama pa, nakakainis na. Ang mga gano’ng pelikula, ang nakakagusto lang dun ay ang die hard fans na karamihan naman ay panay tili lamang at hindi nagbabayad para manood ng pelikula sa mga sinehan. Naghihintay lang sila ng premiere night kung saan sila makakasalisi ng panonood ng libre.

Sexy star namimigay ng envelope sa mga artista, gustong lagyan ng Pamasko

Kawawa talaga ang isang dating sexy star. Inaabangan na naman niya ang mga kakilala niyang mga artista na pumapasok sa studio ng isang TV network at inaabutan niya ang mga iyon ng envelope para paglagyan ng perang Pamasko sa kanya.

Inaasahan niyang uutusan ng mga artista ang kanilang mga alalay na lumabas para ibigay sa kanya ang envelope na may laman na.

 

vuukle comment

ISANG

IYON

KANILANG

KUNG

MARK HERRAS

MASASABI

ONE MORE TRY

PAMASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with