^

Pang Movies

Sikat na TV and movie actress sumama ang ugali nang sumikat ng todo

Pang-masa

True kaya na sa kabila ng napakagandang mukha ng very successful TV and movie actress ay masama ang ugali niya in real life? ’Di raw dating ganito ang aktres pero nang sumikat siya, malaki ang ipinagbago ng dating pagiging sweet niya.

Bahala siya, mabilis yatang dumating ang bad karma. Tingnan mo ’yung nangyari sa isang ale. Iisipin mo bang someday ay ganito ang mangyayari sa kanya?

Jose Mari ngayon lang kakanta ng Tagalog song

Hay salamat, after 22 years ay may bagong Christmas album na ang well respected na singer-composer na si Jose Mari Chan, ang Going Home to Christmas na may 22 tracks. Ang sarap pakinggan ng mga kanta.

At take note, first time ni Mr. Chan na kumanta ng Tagalog song, na nilapatan ng lyrics ni Ogie Alcasid at kasama ang tropa ng The Company, sa Pinoy na Krismas. Nakakatuwa rin na kasama pa ang mga anak na sina Michael, Jojo, at Franco Chan at ang granddaughter na si Isabel Bunag-Chan.

Malayo na ang narating ng pangalan ni Jose Mari Chan sa larangan ng musika. Salamat sa talentong ibinigay sa kanya ng Maykapal na ibinabalik niya kung ano ang narating niya!

That’s Entertainment tatalbugan paang mga reality show

Happy birthday kay Kuya Boy Abunda, kahit nakaraan na ito, pero knowing him ay one month ang celebration niya. Tulad ni German Moreno na nagdaos din ng kanyang kaarawan nung isang buwan.

Wish namin for Kuya Boy at Kuya Germs ay long life.  At medyo maka-relax naman, huwag ubusin ang lakas sa trabaho.

Teka totoo kaya ’yung nasagap naming balita na may posibilidad na magbalik-TV ang dating show na That’s Entertainment? Why not? Mas maganda pa nga ang konsepto nito kesa sa mga reality show na ginawa na ng Kapuso, Kapatid, at Kapamilya!

vuukle comment

FRANCO CHAN

GERMAN MORENO

GOING HOME

ISABEL BUNAG-CHAN

JOSE MARI

JOSE MARI CHAN

KUYA BOY

KUYA BOY ABUNDA

KUYA GERMS

MR. CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with