Mga diskarteng dapat na alam mo

• Kapag may lindol, huwag agad tumakbo palabas. Yumuko, sumilong sa matibay na mesa at kumapit dito hanggang tumigil ang pagyanig.

• Kapag nasa labas at lumindol, lumayo sa poste, puno, salamin at gusali. Pumunta sa mas bukas na lugar.

• Kung nasa sasakyan kapag lumindol, huminto sa ligtas na lugar. Iwasan ang tulay, overpass, poste at gusali.

• Kapag may tsunami warning at malapit sa dagat, huwag hintaying makita ang tubig. Agad pumunta sa mas mataas na lugar o sa itinakdang evacuation area.

• Kapag bumabaha, huwag lumusong sa baha kung hindi kailangan. Maaaring may bukas na manhole, matutulis na bagay o live electrical wires na hindi nakikita sa tubig.

• Huwag gumamit ng kandila malapit sa kurtina, papel o mosquito net kapag brownout. Mas ligtas ang rechargeable flashlight o emergency lamp.

• Kapag brownout, i-unplug ang sensitibong appliances. Maaaring magkaroon ng power surge kapag bumalik ang kuryente.

• Magtabi ng power bank na laging may charge. Huwag hintaying magkaroon ng bagyo bago ito i-charge.

• Sa emergency, unahin ang tubig bago maraming pagkain. Mas mahalaga ang sapat na ligtas na inuming tubig kaysa maraming snacks.

• Magkaroon ng maliit na “go bag” na madaling bitbitin. Ilagay dito ang flashlight, whistle, power bank, basic first-aid supplies, tubig, kaunting pagkain at mahahalagang dokumento.

(Itutuloy)

Show comments