Practical tips

• Mananatiling soft and fluffy ang cotton at wool blanket kung hahaluan ng 2 cups vinegar ang tubig sa washing machine. Nakakalinis din ito sa mismong washing machine.

• Kung sasakay ka sa elevator at nakita mong may ­pumindot sa lahat ng floors (dahil nilalaro lang), mapipigil mo ang paghinto sa bawat floor kung pipindutin mo ulit ang bawat floor nang tig-dadalawang beses.

• Mabilis matutuyo ang tagihawat kung papahiran mo ito ng glycolic acid 7 percent toning solution sa umaga at sa gabi. ‘Yun mismong area ng may tagihawat lang ang pahiran gamit ang cotton buds.

• Umidlip muna sandali pagkatapos mong magbasa ng new informations upang ito ay manatili nang matagal sa iyong memory.

• Kung wala kang pambili ng condom, palatandaan yon na wala kang karapatang magkaroon ng anak.

• Feeling depressed pero ‘di mo alam kung bakit. Uminom ka ng tubig. Malamang na nauuhaw ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo.

• Tanungin mo lagi ang iyong sarili: Ang ginagawa mo ba ngayon ay nagdadala sa iyo papalapit sa gusto mong mangyari sa hinaharap? Sa tuwing may ginagawa ka, iyan dapat ang iyong objective.

• Ilublob sa Coke ang buhok na dinikitan ng bubble gum. Ibabad ng ilang minuto saka tanggalin.

• Huwag magpa-tattoo nang ura-urada. Ilagay sa picture frame ang tattoo design na gusto mong ipaburda sa iyong balat. Idispley ito sa lugar na nakikita mo araw-araw. Kung pagkaraan ng isang taon ay type mo pa rin itong ipaburda sa iyong katawan, then, go!

Show comments