^

Punto Mo

Hustisyang kapos at laos

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

LUMABAS na ang warrant of arrest ng ilan sa mga pulitikong nasasangkot sa nakawan sa pondo ng gobyerno. Hindi na ikinabigla ng taumbayan bagkus ay nagdulot ng desperasyon sa marami. Tila may pinagpipilian pa diumano ang Department of Justice at Office of the Ombudsman.

Hindi rin maiaalis sa isipan ng taumbayan na maaagnas din kalaunan ang parusang igagawad sa mapapatunayang guilty. Sa tulong ng magagaling na abogado at witnesses na bumaliktad sa una nilang salaysay kapag idinulog sa Court of Appeals at Supreme Court.

Lumalabnaw ang tiwala ng mamamayan sa hustisya dahil sa impluwensiya ng pulitika. Kinapapalooban ng appointing officials na ang iba ay padrino naman talaga ng mga huwes na kapos sa konsensiya.

Binabagtas ngayon ni Acting DOJ Secretary Frederick A. Vida at Ombudsman Boying Remulla ang landas na puno ng katiwalian.

Balik kulungan si dating Sen. Bong Revilla dahil sa kasong plunder na dati na niyang hinarap noon. Isa pa lamang siya sa inaakusahang nakahati sa pinagpistahang ghost projects ng DPWH.

Sangkot din sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada na kilalang mga kalaban ng Marcos administration.

May binabanggit si Sen. Ping Lacson na may nabahagi ring bilyones na proyekto si Sen.Imee Marcos. Pinaniniwalaang pinagkakakitaan ng 30 hanggang 40 porsiyento ng proponents ng substandard at ghost projects. Nasaan ang hustisya? Meron pa ba?

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with