^

Punto Mo

‘Krusipiho’ (Part 11)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING naitulong sa akin ang krusipiho sa panahong ako ay nag-aaral sa kolehiyo. Kaya hindi ko kinalilimutang isuot o ikuwintas ang krusipiho kapag ako ay pumapasok sa unibersidad o kahit pupunta lang sa tindahan na malapit sa bahay.

Hindi ko kinalilimutan ang mga paalala ni Lolo Fernando na huwag kalilimutang isuot ang krusipiho saan man magpunta.

Hindi ko rin kinalilimutan na dasalan ito. Kapag unang Biyernes ng buwan ay nagsisimba ako sa Quiapo church at dinadasalan ang krusipiho.

Sabi ni Lolo, kailangang madasalan ito upang lalong maging mabisa at makapangyarihan.

Lubos kong napatunayan ang kapangyarihan ng krusipiho noong ako malapit nang magtapos ng kolehiyo. Noon ay Marso at nagdaraos ng junior-senior prom sa unibersidad.

Gaganapin ang prom sa isang 5-star hotel sa Roxas Blvd. ng alas-otso ng gabi. Alas-sais pa lamang ay nakahanda na ako. Pormang-porma ako.

Kailangan kong maglakad mula sa aking tirahan patungo sa kanto para sumakay ng taxi. Hindi nakakapasok sa aming kalye ang taxi dahil masikip.

Nang nasa kanto na ako at nag-aabang ng taxi, naalala kong hindi ko naisuot ang krusipiho!

Kailangang bumalik ako sa bahay! (Itutuloy)

COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with