1. Sa mga writer: Ang pag-inom ng alak nang katamtaman ay nakakatulong para lalong maging malikhain.
2. Sampung pagkain na magaling tumunaw ng fats sa katawan: cinnamon, hot peppers, grapefruit, pakwan, kamote, itlog, kape, suka, gatas at beans.
3. Bago gamitin ang sponge na paulit-ulit nang nagamit, painitin mo to sa microwave ng two minutes. Napatunayang nakakamatay ito ng 99 percent ng germs.
4. Kailangan ang tatlong oras na pagtakbo upang mabawasan ng one pound ang iyong timbang. O, kaya, tumakbo ng 27 minutes araw-araw, para mabawasan ng one pound ang iyong timbang per week.
5. Kapag may paparating na bagyo, malaki ang tsansa na magkaroon ng brownout. Bago mangyari ang mga nabanggit, maglagay ng tubig sa maraming plastic bottle at ilagay sa freezer. Kapag nawalan ng kuryente, magiging matagal ang lamig ng inyong refrigerator dahil sa mga nagyelong tubig. Kapag natunaw na ang mga ito, mayroon kayong reserbadong cold water.
6. Kapag ikaw ay inaantok at kailangan mong tanggalin ito dahil oras ng trabaho: Pigilin mo ang paghinga hangga’t kaya mo, then, biglang pakawalan ang hangin sa baga.
7. Huwag itapon ang ginamit na tea bag. Patuyuin ito sa araw. Puwede itong ilagay sa loob ng sapatos para sipsipin ang mabahong amoy.
8. Ang paninigarilyo ay nagpapabagal ng natural healing ability ng iyong katawan. Sa bawat isang stick ng sigarilyo, dalawang linggo ang idinidelay ng paggaling mo.
9. Mas nagtatagal ang amoy kung ang iispreyan ng perfume ay sa bandang batok malapit sa hairline. Mas tatagal ang scent kung kakapit sa buhok kaysa balat lang.