^

Punto Mo

Dirty political virus ­ginagamot na ba nina BBM at Sara?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Malinaw na hindi nagpapagapos sa anumang political party ang tambalang BBM-Sara at ma­ging si ex-Pres. Digong Duterte ay kumporme rito.

Ang hindi pagsali ni Sara sa PDP-Laban ay patotoo na hindi ito sampalataya sa political party ng tatay nito. O baka hindi niya gusto ang political virus na dabarkads ng Tatay niya, ha-ha-ha!

Hindi rin sumandal si BBM sa Nacionalista Party at KBL na orihinal na partido ng amang Ferdinand E. Marcos Sr. Aba pareho nga ng diskarte ang dalawa, kaya pala BFF sila, he-he-he!

Nanalo ang BBM-Sara tandem mula sa suporta ng halo-halong political party na tinawag na UniTeam. Hindi po UniThieves!

Ugali na nang mga political leader/financiers ang magrekomenda ng mga bata nila para ma-appoint sa corruption infested office sa gobyerno. Para makabawi ng ginastos nila na may malaking tubo pa. Nakakasuka na talaga!

Kumalas si Sara sa Lakas-CMD na markadong kampo ni GMA at Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinsan ni BBM. Nakalas na nga ba ang bigkis ng UniTeam? Hmmm!

Umuugong ngayon ang pagbubuo ng Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ng administrasyong BBM-Sara. Siguradong sasaniban ito ng mga pulitiko. Magkawangis na KBL at Hugpong. Hintayin natin!

Masyado na tayong nilamog ng maruming pulitika. Panahon na para ang kapakanan ng bayan ang pagtuunan ng pansin ng pamunuan. Sugpuin na ang nakadidiring political virus!

Maging ang mga party-list ay “extensions of power” ng mga pulitiko sa kanilang probinsiya ay “harmful virus” din sa pondo ng bayan. Ganun ‘yun talaga!

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with