^

Punto Mo

Yumaong pastor, inabot ng 2 taon bago nailibing dahil inakalang mabubuhay pa itong muli!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAMATAY  noong 2021 ang South African pastor na si Siva Moodley ngunit Marso lang ng taong ito inilibing ang kanyang bangkay dahil umasa ang kanyang pamilya at mga tagasunod na babangon siya mula sa kamatayan!

Si Moodley ang nagtayo ng relihiyong The Miracle Centre sa Gauteng, Johannesburg. Noong Agosto 15, 2021, namatay dahil sa isang karamdaman. Ngunit imbis na asikasuhin ng kanyang pamilya ang libing, iniwan lang ng mga ito ang kanyang bangkay sa morge dahil umaasa ang mga ito sa kanyang muling pagkabuhay.

Sa unang mga buwan ng pagkamatay ni Moodley, binibisita at dinadasalan pa ng pamilya at tagasunod ang bangkay nito sa morge ngunit kalaunan tumigil na ang mga ito sa pagpunta.

Matapos ang mahigit isang taon, sinubukan kontakin ng morge ang pamilya ni Moodley para kuhanin na nito ang bangkay ng pastor. Nang hindi nakatanggap ng tugon, nagsampa na ng kaso ang morge sa pamilya.

Nang makapagbigay ng sapat na pruweba ang morge, nagdesisyon ang Gauteng High Court na magkaroon ng mandatory burial si Moodley.

Noong Marso 16, inili­bing si Moodley sa Westpark Cemetery sa Johannesburg. Dumalo ang mga kapatid at kamag-anak nito ngunit wala rito ang kanyang asawa at dalawang anak.

Hanggang ngayon, hindi pa nila tinatanggap ang pagkamatay ng pastor at kahit kailan ay hindi binabanggit sa mga official social media accounts ng The Miracle Centre ang tungkol dito.

vuukle comment

LIBING

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with