^

Punto Mo

ROTC at mental health!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAINIT ang balitaktakan ngayon sa Senado kaugnay sa panukalang pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) program sa mga mag-aaral.

Noong Lunes, nagbitiw nang pahayag si Defense Secretary Carlito Galvez, kaugnay sa  umano’y  makakatulong ang ROTC para gamutin ang mental health problem.

Kinabukasan, inulan siya ng batikos, dinikdik din siya ng mga mental health practitioners at advocates  kaugnay  sa naging pahayag.

Nagbigay naman nang paglilinaw dito si Galvez,  na nagsabing ang ibig umano niyang sabihin sa salitang ‘cure’ patungkol sa ROTC program ay ang pagpapalakas at pagpapatatag sa mga kabataan na ito umano sa kanyang paniwala ay may positibong epekto sa mental health ng mga ito.

Pabor ang DND sa pagbabalik ng ROTC,  na makakatulong din umano sa self-leadership, pagdisiplina at character –building ng mga kabataan.

Kung tutuusin naman, maganda ang layunin ng programang ito.

Matagal na panahon na rin itong  naipatupad.

Ayon nga sa mga nagsusulong, hindi naman kailangan na may digmaan para sumailalim sa ganitong pagsasanay ang mga kabataan.

Maraming kalapit nating bansa ang nagpapatupad na ng ganito, ke-mayaman, ke-mahirap ka, anuman ang status sa buhay basta  sumapit sa tamang edad, sapilitang isinasailalim sa ganitong kahalintulad na training.

Natigil lang naman ito sa bansa nang magkaroon na ng mga batik.

Marami ang naging abuso na nagpapalakad.

Dumalas ang sakitan, nauso ang hazing. Ilan na rin ang nasawi   kaya ipinatigil.

May ilan na kayang nagbayad, nagbabayad na lang ‘wag lang mag-training, kung baga pinagmulan pa ng korapsyon.

May magandang layon, pero naabuso ng ilan at yan ang mahirap.

Kung tuluyan itong maipapatupad , na mukhang dyan na nga patungo, dapat na mabantayang maigi.

Baka nga kasi imbes na makabuti, kung may mag-aabuso baka lalong makasama. 

 Baka imbes maging ‘cure’, magsanhi pa ng mental health problem.

vuukle comment

ROTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with