Psychology skills na dapat matutuhan (Part 3)  

  • Itigil na ang pagiging inggitera.
  • Isuko na ang pagiging tsismosa.
  • Huwag magsasalita ng negatibong opinyon tungkol sa sarili.
  • Makinig sa iyong mga kritiko.
  • Pangasiwaan mong mabuti ang iyong oras lalo na ang iyong pera.
  • Huwag mong pepersonalin ang mga naririnig mong negatibong opinyon sa iyo ng ibang tao.
  • Tigilan ang pagrereklamo.
  • Magbasa ng libro.
  • Huwag intindihin ang mga bagay na hindi mo na mababago.
  • Magpatawad.
  • Lumayo sa mga taong hindi mo gusto.
  • Dagdagan ang gawa, bawasan ang daldal.
  • Bilhin ang isang bagay na matagal mo nang gustong mapasaiyo.
  • Sumali sa bagong grupo.
  • Umibig.
  • Subukang mag-isa.
  • Tumigil na sa panghuhusga.
  • Iwasang maging troll sa social media. Kung wala ka namang kinalaman at magiging ugat lang ito ng pangba-bash sa iyo, huwag sumawsaw sa isyu.
  • Isip-isip din sa iyong mga spiritual at political belief. Minsan mali na pala.
  • Sunugin ang mga “memories” na nakapagpapalungkot sa iyo. Halimbawa love letters at iniregalo sa iyo ng “ex” na nagtaksil sa iyo.  (Itutuloy)

Show comments