^

Punto Mo

Trahedya ng OFWs

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

PANGARAP ng 35-anyos na si Jullebee Ranara, isang OFW sa Kuwait, na umuwi sa Pilipinas na may dalang maraming kahon na puno ng pasalubong para sa nananabik na pamilya. Ngunit sa kasawiang-palad, si Jullebee ay umuwi na siya mismo ang nasa loob ng isang malaking kahon.

Si Jullebee ang pinakahuling biktima sa Kuwait ng krimeng tila magagawa lamang ng isang halimaw: ginahasa, nabuntis, ginulpi, sinagasaan ng dalawang beses, sinunog, at pagkatapos ay tinapon ang katawan sa disyerto. Ang “halimaw” na anak ng amo ni Jullebee ay disisyete anyos lamang. Bago rito, tatlo pang OFWs sa Kuwait ang pinagsamantalahan at pinaslang ng mga amo na ang turing sa OFWs ay mga alipin na puwede nilang gawan ng anumang kanilang gustuhin. Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration, 196 OFWs ang pinaslang sa Kuwait mula noong 2016.

Sa panahon ni Presidente Duterte, sandaling ipinagbawal ang pagpapadala ng mga kasambahay sa Kuwait dahil sa iniulat ng embahada ng Pilipinas na mahigit sa 6,000 kaso ng panggagahasa at pang-aabuso. Pero naalis din ang pagbabawal matapos ang paniniyak ng gobyerno ng Kuwait na pangangalagaan ang kaligtasan ng OFWs.

Sa kaganapang ito, lumalabas na ang paniniyak ay parang isinulat sa buhangin. Mahirap buwagin ang isang kulturang naniniwala na ang mga kasambahay ay mga alipin at sapagkat pinili nilang magpaalipin ay wala silang magagawa anuman ang naisin ng kanilang mga amo.

Ilan sa 10 milyong Pilipinong OFWs ang nasa kalagayang nag-iimbita ng trahedya.? Dahil sa kawalan ng oportunidad sa Pilipinas, napipilitan silang magtrabaho sa ibang bansa, kahit na sa mga bansang kilala sa pagiging abusado at mapagsamantala. Maaaring ang kapalit nang malaking kinikita ay ang kanilang dangal at buhay o kaya’y ang pagkawasak ng kanilang pamilya. Minsan, itinanong ni Hesus ang ganito, “Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung mapapahamak naman at mawawala ang kanyang buhay?

Alam ng OFWs na marami silang mapapala: Maiaahon ang pamilya sa kahirapan, makakalaya sa pagkabaon sa pagkakautang, mabibigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Pero ang kapalit naman ay dangal, puri, at pamilya. Kapabayaan ito ng isang gobyernong walang kakayahang bigyan ng magandang buhay ang kanyang mamamayan. Wala raw kasing sapat na pera ang gobyerno, pero taun-taon, bilyun-bilyong piso ang nananakaw na pera ng gobyerno ng mga taong-gobyerno mismo.

Hindi ko ikinatuwa ang pagkakatatag ng Department of Migrant Workers (DMW), sapagkat ang ibig sabihin nito’y patuloy na pagbubuhusan ng pansin ng gobyerno ang pag-e-export ng mga mangagawa sa ibang bansa bilang pinakamadaling paraan ng paniniyak na hindi babagsak ang ating ekonomiya. Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit $30 bilyon ang remittances ng OFWs. Kaya’t sila’y itinuturing nating mga bayani, sapagkat sinasagip nila tayo sa ganap na pagkakalugmok. Ngunit bayaning napapabayaan.

Dahil naitatag na ang DMW, ang dapat nitong pagtuunan ng pansin ay ang pangangalaga sa mahigit 10 milyong OFWs, sa halip na ang patuloy na pag-eexport ng OFWs. Sana’y abutan ko pa ang panahon na hindi na kailangang umalis pa ng Pilipinas ang isang Pilipino para lamang hanapin ang kanyang magandang kinabukasan, na dito mismo sa Pilipinas matatagpuan ang kinabukasang iyon.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with