^

Punto Mo

Water Resources Management Office, pamalit sa MWSS?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINAGTUTUUNAN ng pansin ng gobyerno ngayon ang panga­ngalaga sa pag-ani ng tubig mula sa ulan, sapa at mga ilog (waste water­ management) na hindi binigyan ng pangunahing pagpapahalaga ng mga nakaraang administrasyon bago nanungkulan si President Duterte.

Naging usapin noong 2021 ang kapabayaan ng MWSS sa pagpapasunod ng water management agenda na nagdamay maging sa mga konsesyonaryong Manila Water Co. Inc at Maynilad Water Service Inc. Nauwi iyon sa pagbabayad ng penalties na mula  sa reklamong idinulog ni dating DENR Sec. Roy Cimatu sa Korte Suprema na may kinalaman sa Philippine Clean Water Act of 2004. Naisawsaw pa nga sa isyu ang “Battle of Manila Bay” ni Usec. Benny Antiporda. Kumusta naman kaya ang kuwentada ng dolomite? He-he-he!

Naglalaro ang guniguni ng ilan sa planong ito ni President Marcos Jr. pero dahil natural na sa pulitika ang suklian, kaya hindi malayong ito ang dahilan. Kung ang mamamayan naman ang tata­nungin, malamang na “kibit balikat” lang ang itutugon, basta siguruhin lang na hindi magtataas ang presyo ng tubig na tulad ng sibuyas. Araykupu naman kuya!

Kung  tutuusin, wala naman talagang malalim na functions ang MWSS dahil ang mga konsesyunaryong Manila Water at Maynilad ang humaharap at nananagutan sa bayan kaya, puwede ngang i-abo­lish na ang MWSS. Dagdag gastos pa ang malalaking bonuses ng mga opisyales nila taun-taon. At least hindi sila pinagsusumite ng courtesy resignation di ba? Ha-ha-ha!

Ayon sa aking dagang dingding, malamang na may nag-lobby raw kay BBM para gawin ang mga hakbang na ito. Baka naman galing raw ang ideya sa  isang eksperto sa tubig na maalong mag-isip pero malalim mag-ambisyon. Aba teka nga,  kilala ba ni Manang? So long Mr. President!

vuukle comment

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with