^

Punto Mo

Wheelchair (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG buwan bago ang graduation nina Jong, nilinis na mabuti ni Tito Mon ang wheelchair na ginagamit sa pamamalimos. Gagamitin uli niya ito. Gusto niyang may maipon na pera para sa graduation ni Jong. Mula nang magkahigpitan sa mga nagpapalimos sa kalye ay hindi na siya nagpalimos. Isa pa, sinabihan siya ni Jong na huwag na munang mamalimos at baka madisgrasya. Lalo pa nga at tila siya ang hinahanting ni Bart. Sumunod si Tito Mon sa sinabi ni Jong. Naisip ni Tito Mon na meron pa naman siyang naitatabi at pagkakasyahin na lamang iyon.

Pero ngayon, ay gusto niyang mamalimos muli. Siguro ay last na ito. Gusto niyang may pera siya sa oras ng graduation ni Jong.

Hanggang isang tanghali, naabutan siya ni Jong na nililinis ang wheelchair.

“Akala ko hindi ka na mamamalimos Tito?’’

“Last na ito, Jong. Payagan mo na ako.’’

“Huwag na Tito, delikado pa. At di ba mahigpit ngayon?’’

“Hindi na siguro. Mag-iingat ako.’’

Napabuntughininga si Jong.

“Kapag nagkatrabaho ako, tigil na talaga ‘yan. Huwag mo nang gamitn ang wheelchair na yan.’’

“Oo Jong. Salamat.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with