^

Punto Mo

Digital na paniniket ng LTO, aarangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sisimulan  na ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang ‘digitalization’ base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaya nga, ito na ang asahan ng mga motorista, dahil gagawin nang automated o digital na ang paniniket ng lahat ng law enforcers ng LTO sa buong bansa simula sa susunod na linggo.

Ipamamahagi na ng LTO sa kanilang mga law enforcers­ ang  Law Enforcement Handheld Mobile Device na gagamitin para sa pagbibigay ng electronic Temporary Operators’ Permit (e-TOP).

Ibig sabihin, wala nang mga manual TOP na karaniwang ibinibigay sa mga motorista na  may paglabag sa batas-trapiko.

Dadaan na ito sa handheld device para naman awtomatikong maipasok sa online system ng ahensya.

Eto ngayon, ang lahat  ng ipapasok sa mga handheld device eh hindi na mababago pa.

Cashless payment na rin ang ipapatupad. Ang mga multa ay maaaring bayaran sa pamama­gitan  ng credit card o load wallets.

Ang mga law enforcement handheld mobile device ay mayroong camera at fingerprint scanner para magamit ng mga LTO traffic enforcer sa pagberipika kung peke o totoo ang ipini­pri­sintang driver’s license.

Mukhang maganda ang programang ito, pero dapat pa ring hasain ang mga traffic enforcers sa paggamit sa iisyu sa kanilang handheld mobile device. Antabayanan natin kung magiging  “smooth” ang pagpapatupad nito.

 

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with