Kapag ‘senior’ ka na

1. Pinipili mong maging maunawain kaysa makipagtalo at ipaglaban ang katwiran mo.

2. Ikinaiinis mo at iniiwasan ang madadramang sitwasyon.

3. Mabilis kang makabasa ng ugali ng kausap mo : mabait ba siya o mahadera.

4. Hindi ka na “people pleaser”. Hindi na importante sa iyo na maunawaan ka ng ibang tao; o tanggapin ka nila. Okey na sa iyo ang iisang tunay na kaibigan kaysa isang dosena pero kapag wala ka, ginagawa kang “pulutan”. Mas madalas masaya ka sa iyong pag-iisa.

5. Hindi lahat ng bagay ay dapat kang magbigay ng reaksiyon. Puwedeng panoorin mo lang sila at manahimik ka.

6. Pinaniniwalaan mong ang katapat ng positibong ugali ay magandang kapalaran.

7. Hindi mo na inaalala ang pangit na nangyari kahapon dahil ito lang ay makasira ng iyong kasalukuyan.

8. Hindi mo na ikinukumpara ang iyong sarili sa ibang tao. Ang pinagkukumpara mo na lang ay sarili mo noong nagdaang taon at sarili mo sa kasalukuyan.

9. Pinagsisisihan mo ang mga wrong choices sa buhay. Ang pagkakamaling ito ang iyong ginagawang gabay para maging mas mabuting tao.

10. Nagiging simple na lang ang panlasa mo sa pagkain. Bakit noong kaunti lang ang pera mo at bata pa, lahat ng masasarap at mamahaling pagkain ay pinapangarap mong kainin? Pero ngayong may pambili ka na, mas gusto mo ‘yung simpleng niluluto ng nanay mo noon. Ang ginisang ampalayang kay pait-pait sa panlasa mo noon, ngayon ay paboritong ulam mo.

Show comments