Wheelchair (91)
“KAPAG nakatapos ba tayo, tuloy ba ang plano mo na mag-aplay ng caregiver sa Canada, Pam?’’ tanong ni Jong.
“Oo. Pero kailangan munang magkaroon ako ng experience dito. Sisikapin kong makapagtrabaho ng kahit isang taon at saka ako mag-aaplay sa Canada. Naroon kasi ang tita ko. Nurse naman siya.’’
“Mabuti ka pa at may kamag-anak sa Canada, ako wala. Pero sisikapin kong makapag-abroad para mahango ko sa kahirapan si Inay at si Tito Mon. Hindi ako titigil hangga’t hindi nakakapag-abroad at kumikita nang malaki.’’
“Kayang-kaya mo ‘yan, Jong. Ikaw pa e alam ko namang supertiyaga ka at napakasipag at matalino pa.’’
“Hindi naman.’’
“Totoo ang sinasabi ko, Jong. Damang-dama ko na magtatagumpay ka sa mga pinapangarap mo.’’
“Salamat, Pam. Ikaw din malakas din ang pakiramdam ko na mangyayari ang mga pangarap mo.’’
“Wish ko na sana ay pareho tayo sa Canada magkaroon ng magandang trabaho.’’
“Oo nga Pam.’’
ISANG tanghali na nag-research sina Jong at Pam—last na pagre-reseearch nila dahil next month ay graduation na nila, nakaramdam sila ng gutom. Nagyaya si Jong na kumain sila sa karinderya sa harap ng school.
Maraming kumakain sa karinderya. Pumili sila nang mauupuan at saka nag-order ng pagkain.
Nang kumakain na sila, may napansin si Jong at ibinulong kay Pam.
“Kanina pa tayo pinagmamasdan ng tatlong lalaking yun, Pam.’’
“Hindi kaya mapalaban na naman tayo, Jong?’’
“Huwag kang magpapahalata na napapansin natin sila.’’
(Itutuloy)
- Latest