^

Punto Mo

School uniforms nagdudulot ng kanser?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TOTOO man o hindi, maaaring magdagdag ito sa mga debate hinggil sa mga school uniform na isinusuot ng mga estudyante mula kinder, elementarya hanggang kolehiyo sa mga pampubliko o pribadong eskuwelahan. Marami ring positibo at negatibong argumento at  bentahe at disbentahe sa mga uniporme ng mga estudyante sa eskuwelahan.

Lumilitaw sa isang pag-aaral na nalathala sa Enviromental Science and Technology Journal at napaulat sa New York Post na ang mga school uniform ng mga batang estudyante lalo na ang mga stain-resistant ay nagtataglay ng nakakalasong “forever chemical” na maaaring magdulot ng kanser.

Ayon sa pag-aaral, nakakita ng  potentially harmful level ng per- and polyluoroalkyl substances (PFAs) sa lahat ng stain-resistant school uniforms sa siyam na kilalang brand ng school uniform sa United States at Canada. Ang PFAs ay nakakapagdagdag ng panganib sa kanser, ayon sa  Centers for Disease Control and Prevention ng U.S.. Nakakita ng naturang kemikal sa mga school uniform na gawa sa 100% cotton, cotton spandex at cotton polyester. Ang ibig sabihin, napakataas ng level ng PFAs na taglay ng mga unipormeng ito na nakasasama sa kalusugan.

“I don’t know any parent who values stain repellency over their child’s health,” sabi ng chemist, awtor at professor na si Miriam Diamond ng University of Toronto sa Canada. Lumabas ang resulta ng pag-aaral noong nakaraang linggo.

Tinawag na “forever chemicals” ang PFAs dahil hindi ito natural na naglalaho at namumuo sa kapaligiran at katawan ng tao. Ipinahiwatig sa pag-aaral na maraming bata ang nalalantad sa ganitong kemikal at sa side effects nito tuwing may pasok sa eskuwelahan. Ang mapanganib na kemikal na ito ay karaniwang sangkap sa maraming gamit sa bahay tulad ng  nonstick pans, cosmetics at waterproof hiking clothes.

Natuklasan pa ng mga researcher na mataas ang level ng forever chemical na taglay ng mga pinag-aralang mga stain-ressitant school uniform. Nakukuha ito ng mga bata sa pamamagitan ng skin absorption, kapag kumakain na marami ang mga kamay, hand-to-mouth behavior at pagpahid ng damit sa bibig.

Marami umanong ebidensiya na ang regular exposure sa man-made na “forever” chemicals na ginagamit sa household products ay nauugnay sa dumaraming kaso ng kanser, thyroid disease, immune suppression, decreased fertility at  low birthweight. Malaki umano ang panganib dito sa mga bata dahil sa kanilang lower body weight at  sensitive developmental  period.

Wala pang lumilitaw na ibang pananaliksik na sumuporta o nagpapatunay sa nabanggit na pag-aaral sa mga school uniform. Pero, kahit sa U.S. at Canada ginawa ang pag-aaral, hindi rin malayo at hindi rin imposibleng nangyayari rin ito sa ibang  bansa tulad dito sa Pilipinas. Kaya hindi rin naman marahil masama kung tututukan ng mga awtoridad natin ang bagay na ito.

Iba’t iba ang gumagawa at pinanggagalingan ng mga school uniform. May mga eskuwelahan na sila mismo ang gumagawa ng uniporme, nagpapatahi sa mga sastre, bumibili sa mga palengke o department store.  Pero, malay ba ng mga magulang na dapat din pala nilang tutukan ang level ng FPAs na tinataglay ng mga  school uniform na sinusuot ng kanilang mga anak.

 

Email: [email protected]

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with