^

Punto Mo

Ginger (158)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHAN-DAHANG binuksan ni Ginger ang itim na supot. Bakit bigla siyang kinabahan habang kinakalag ang tali. Sa buong buhay niya ngayon lamang siya kinabahan ng ganito.

Nang mabuksan ang supot at malantad ang laman ay hindi makapaniwala si Ginger sa nakita. Mga mamahaling bato o gemstone ang laman ng supot. Mga bato na karaniwang minimina. Hindi niya alam ang pangalan ng mga bato pero sigurado siya na ito ang mga nakikita niya sa intenet. Marami na siyang nabasang artikulo ukol sa mga gemstone.

Paano nagkaroon nito si Tatang Nado? Paano siya nagkaroon ng mga ito? Sa tantiya ni Ginger, milyong piso o higit pa ang halaga ng mga ito. Saglit na natulala si Ginger sa kayamanang nasa harapan. Ano ang dahilan at sa kanya iniwan ni Tatang Nado ang mga mamaling bato?

Hinalungkat pa niya ang ilalim ng supot. Hanggang sa makita niya ang isang nakatiklop na sulat.

Binuklat niya. Sulat ni Tatang Nado. Maganda ang pagkakasulat. Mahusay ang penmanship ng matanda.

Sabik niyang binasa ang sulat.

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with