^

Punto Mo

GSIS at SSS, busisiin din sana ng COA

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAPOS mabatid ni Commission on Audit (COA) chairman Jose Calida na may nakadepositong mahigit P3 bilyon ang opisina ng PS-DBM, nakadagdag ito sa pagdududa ng mamamayan na may nagaganap na katiwalian sa mga tanggapang humahawak sa salapi ng bayan. Nakadeposito raw ito sa banko at kumikita ng 3.5% interes rate. Samakatuwid, humigit kumulang sa P100 mil­yon ang kinikita nitong interest sa bawat taon, pero hindi maliwanag kung sino ang makikinabang o nakinabang na sa pera natin. Wow!

Panahon na ngayon para maghalungkat ang COA sa mga records ng pinagkagastusan ng gobyerno sa mga nakaraang taon, bago pumasok ang pondo ng bagong administrasyon. Maluwag na ngayong nakapag-iimbestiga ang mga taga-COA dahil wala nang mambubuska sa kanila. Ha-ha-ha!

Dapat na ring i-audit ang mga salaping pinangangasiwaan ng GSIS at SSS dahil kontribusyon ito ng mga manggagawa. Delikado dahil bilyones na salaping pondo nito ang maaring kumita o baka kumita na, mula sa stock market investments at time deposits. Dapat ipaalam nila kung ano ang ginagawa nila sa ating pera. Baka nagogoyo na tayo ng hindi natin nalalaman. Sige, busisiin mo na, Smokin JoeCa!

Mapapansin na maluwag ang bigkis ng COA sa GSIS at SSS. Wala akong naririnig na congressional at senate inquiries sa mga nasabing tanggapan para sa kapakanan ng mamamayan. Milyones ang suweldo ng mga administrator, general manager at board members at meron pang allowances at bonuses taun-taon. Hindi naman talaga alam kung ano ang ginagawa nila sa  ating pera. Malay natin kung inuunggoy na tayo ng mga yan. Pasok, Sen. Raffy Tulfo!

GSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with