^

Punto Mo

Department of Agriculture officials, inatake na nga ba ng karma?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPILITANG mag-resign noong 2017 si Sugar Regulatory Administrator Atty. Annie Paner  at pinalitan ni Leocadio Sebastian. Ang dahilan nang pagbibitiw ay dahil sa pagkuha niya ng legal consultant na may suweldong P1.2 million sa loob ng anim na buwan. Bagama’t legal naman daw, pilit na inurot ng mga inggitero na ikinairita naman ni former President Digong. Sinu-sino kaya ang mga nang-urot noon kay “Princess Annie” na nakakarma ngayon?

Gaano katotoo na hindi raw si dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang pumili kay Atty. Annie Paner para maging SRA Administrator. Alam nilang hindi madaling kakutsabahin si Paner dahil naging opisyal ito ng Victorias Milling Company na isang sugar refinery. Sina Board Members Hermenigildo Serafica at Rolly Beltran na bagama’t kumakatawan sa sugar planters at millers ay mga barako at mas cowboy daw na katropa. Samahang Walang Angas at Konsensiya (SWAK). O di ba?

Malawak ang bukirin ng pagkakakitaan sa Department of Agriculture, kaya maraming sumasawsaw dito. May paldu-paldo diumanong suklian sa issuance ng import permits ng asukal, bigas, sibuyas at gulay na inaayos rito. Parang nanalo na raw sa lotto ang tropa ng pumipirma sa permiso. Aba puwede ngang panggalingan ng campaign funds o pagbawian ng nagastos sa eleksiyon ng mga pulpolitiko. Kaya pala madalas ang congressional at senate inquiries. In aid of confirmations din pala?

May mga panahon naman talaga na kinakailangan natin ang umangkat ng asukal sa ibang bansa pero, dapat ay may akma lamang na layunin ang gobyerno.

May mga bumubulong na kaya raw regular na nakalulusot sa Bureau of Customs ang importasyon ng agricultural products tulad ng asukal at bigas ay dahil “recycled” ang mga import permits ng mga ito. Madali namang mag-verify kung gugustuhin, dahil digital na ang lahat ng transactions ngayon. Maliban lang kung magkakakutsaba ang mga barubal. Yahoooo!

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with