Seguridad sa F2F classes, kasado na!

NAGSIMULA ng magpakalat ng pulis ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang lugar sa mga paaralan at unibersidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagsisimula ng  face-to-face classes ngayon.

Sa ilang paaralan, pinayagan ang pagtatayo ng police assistance desk na aayuda sa mga mag-aaral, guro at mga magulang.

Palalakasin din ang pagpapatrulya sa bisinidad ng mga iskul para naman malabanan ang mga petty crimes.

Ilan sa mga krimen na binabantayan tuwing magbubukas ang klase ay ang snatching at holdap.

Maging ang ilang kaso ng pagdukot partikular sa mga kababaihan ay tututukan din ng PNP.

Aabot sa 23,000 pulis ang ikakalat ngayon sa pagbubukas ng klase.

May ilan pa ngang school administrator ang humiling na magkaroon ng pulis na magbabantay sa loob mismo ng kanilang mga kampus.

Malaki ang inaasahan ng mga magulang, guro at mag-aaral sa ating kapulisan at sana nga ay hindi sila mabigo lalo na ang pagbibigay ng seguridad.

Sa pag-arangkada ng face-to face classes, lalo’t higit din sanang mabantayan ay ang mapairal ang health protocol.

Pangunahing kalaban pa rin sa kasalukuyan ay ang pandemya ng COVID na sana nga ay atin ding mabantayan.

Show comments