^

Punto Mo

Pelikula at alingangas ng pulitika, nakaiirita!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NABULABOG ang bansa sa dalawang pelikula na may kinalaman sa nakaraang panahon na nagpapakita ng magkaibang ­kalagayan ng bansa sa ­ilalim ng liderato ng dalawang mortal na magkalaban sa pulitika.

Ang mga pelikulang “Maid in Malacañang” na nagpakita ng makabagbag damdaming kuwento ng puwersahang pagpapalayas sa pamilyang Marcos at ang “Katips” na nagbabandera ng pang-aabuso diumano sa kapangyarihan ng administrasyon ni dating Pres. Ferdinand E. Marcos Sr.

Maganda rin naman ang nangyari dahil nagkaroon ng buhay ang industriya ng pelikula. Nagkaroon din ng pag-asa ang mga artistang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Baka naman gumawa sila ng fantasy movie na ang titulo ay “Lutang” at action movie na may titulong “Kawatan”. Ano sa palagay n’yo?

Nilamon nang maruming pulitika ang bansa sa loob ng 52 taon. Hanggang ngayon, nakatunganga tayo sa behikulo ng propaganda ng magkabilang paksyon sa pulitika na nagbibigay panganib sa pamumuhay at ekonomiya ng bansa.

Hanggang ngayon, binubulabog tayo ng anino ng mga personalidad at mortal na magkakalaban sa pulitika. Mababanggit sina Ferdinand Marcos Sr., at grupo nina Ninoy Aquino, Jovito Salonga, Pepe ­Diokno, Lorenzo Tañada at Ambrosio Padilla. Ginamit ito ng maka-kaliwang grupo na dati ay sumisigaw ng pakikibaka, pero nang lumaon, nakihalo na rin sa pakikibaboy sa kongreso. O ‘di ba?

Ang epekto ng pandemya, climate change at global warming muna ang pag-ukulan ng pansin. Huwag magpaanod sa sulsol at impuwensiya ng mga bansang mahilig sa giyera. Ang Bayan at Kalikasan ay Sagipin (Bakas) upang ang alingawngaw ng kasaganaan ay kamtin! O di ba?

 

FERDINAND E. MARCOS SR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with