^

Punto Mo

Ginger (121)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘HUWAG kang magsalita ng ganyan, Ginger. Tatagan mo ang loob mo. Huwag kang bibitiw,’’ sabi ng mama ni Ginger na namamalisbis ang luha sa mga mata.

‘‘B-Bakit ang tagal ni A-Anton, ’Ma? D-Darating pa ba siya?’’

“Oo, darating siya. Parating na si Anton,’’ sagot ng mama ni Ginger kahit hindi niya alam kung nasaan na si Anton. Walang text o tawag si Anton mula nang umalis may isang buwan na ang nakararaan.

“’Ma b-baka kinalimutan na ako ni Anton. B-baka kaya hindi siya dumarating ay may nakita na siyang ibang babae.’’

“Hindi. Darating siya Ginger.”

‘‘P-parang h-hindi ko na siya mahihintay ‘Ma.’’

“Huwag Ginger. Magtiwala ka sa Diyos.

“Kung hindi siya makakarating sana man lang ay tumawag o nag-text siya.’’

‘‘Parating na siya, Ginger. Magtiwala ka sa Diyos.’’

“Sana nga ’Ma pagod na pagod na ako. Gusto ko nang…’’

Pero hindi na natapos ni Ginger ang sasabihin dahil may nag-doorbell sa labas.

Kasunod ay ang pagtawag mula sa gate.

Si Anton!

Nang puntahan ng mama ni Ginger ang gate, si Anton nga! Masayang-masaya ang matanda.

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with