^

Punto Mo

Ginger (115)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA nasa kuwartong orasyunan si Tandang Nado, Sir Anton. Baka may dinadasalan,’’ sabi ni Mulong.

“Baka nga. Pinakuha kasi niya sa akin ang batong ito.’’

“Nagbabaga yan ah, hindi ba nakakapaso, Sir Anton?’’

“Hindi! Gusto mo bang hawakan?’’

Akmang hahawakan ni Mulong ang bato nang big­lang may sumigaw.

“Huwag!’’

Si Tandang Nado!

Galing sa loob ng kuwartong orasyunan.

Nailayo ni Anton ang bato kay Mulong.

“Mawawalan ng bisa ‘yan kapag hinawakan ng ibang tao,’’ sabi ni Tandang Nado.

Akmang ibibigay ni Anton kay Tandang Nado ang bato pero pinigilan siya ng matanda.

“Ikaw ang maghahawak niyan habang dinadasalan ko. Higpitan mo nang hawak, Anton. Huwag mong bibitiwan kahit anong mangyari.”

“Opo.’’

Sinimulan ni Tandang Nado ang pagdadasal. Mahigpit namang hawak ni Anton ang bato.

Mamaya-maya habang dinadasalan ni Tandang Nado ang bato ay naramdaman ni Anton na umiinit ito.

Hanggang sa uminit nang todo. Napapaso na ang kanyang palad!

Gusto na niyang bitiwan!

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with