^

Punto Mo

Lalaki na hindi kayang umattend ng kanyang kasal, pina-substitute muna ang kapatid bilang groom!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa isang football match, hindi makaka-attend sa kanyang wedding ang striker na si Mohamed Buya Turay kaya kapatid muna niya ang naging groom sa kanyang bride!

Noong isang buwan, nagdesisyon si Turay na umalis sa kanyang Chinese league para lumipat sa isang major Swedish football club na Malmo FC. Pagkatapos pumirma noong Hulyo 22, sinabihan siya ng kanyang bagong team na kailangan niyang sumailalim sa ma-tinding training para sa isang mahalagang tournament.

Ngunit kasabay sa petsa ng tournament ay ang kanyang kasal. Ayaw magbigay ni Turay ng bad first impression sa kanyang bagong team ngunit ayaw din naman niyang ipagpaliban ang kanyang kasal kaya naisipan niya na mag-substitute sa kanya ang kapatid bilang groom sa wedding day.

Naganap ang kasal sa Sierra Leone sa West Africa. Makikita sa picture ang bride at ang kapatid ni Turay na magkahawak ang kamay para sa cake-cutting ceremony sa wedding reception.

Sa panayam kay Turay, sinabi nito na pumayag ang kanyang bride na si Souad Baydon na kapatid muna niya ang mag-substitute bilang groom. Naintindihan daw nito ang sitwasyon niya sa kanyang bagong sinalihang football team.

Pagkatapos ng kasal, dinala na ni Turay ang kanyang bride sa Sweden para doon manirahan. Upang may ma-display silang wedding picture sa bagong tahanan sa Malmo, Sweden, nagkaroon ng wedding photoshoot si Turay at ang kanyang bride ilang araw bago ang actual wedding day.

vuukle comment

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with