^

Punto Mo

Neuro test sa mga kakandidato para naman makasiguro tayo

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGLALAWAY na si Kagawad. Gustong pumalit kay Kapitan. Bakit?

Mas gumanda ang buhay ng mga loko nang magkaroon ng pandemya. Bawal kasing mag-usisa ng kumpulan dahil may social distancing at lockdowns. Ang dati raw na bodega noon, ngayon ay grocery store na, ha-ha-ha.

May mga kapitan daw na ginawang imbakan ng ayuda ang kampo nila, pero ngayon ay wholesaler/retailer na at sa condo na sila nakatira. Totoo ba yan Maritess?

May mga kagawad na tatakbong kapitan dahil si kapitan daw ay tatakbo na papalayo sa mga naisahan. Ang iba naman ay tapos na raw ang tatlong termino. Naku 1-2-3 pala! Malakihan na talaga ‘yan, bwa-ha-ha!

Ginawang political machineries ng mga city at municipal elected officials ang barangay kaya kasama-sama sila sa house to house campaign at nag-vote buying na korteng ayuda ang siste.

Mas marami siyempre ang kamag-anak nilang nakalista. Wais talaga ang mga “pilosopong dorobo” este, pilantropo pala. 

Mga “encargado” ng mga pulitiko ang karamihan ng barangay officials. Ang premyo sa kanila ay maisali ang kamag-anak at kasambahay sa payroll ni konsehal bilang consultants. Sakto bistado na kayo! 

Kuwalipikado kahit sinong kumandidato bilang barangay official. Mas maganda kung isali sa requirements ang police at NBI clearances at neuro test.

Para makasiguro naman na hindi “buwang” ang manunungkulan. Tama ba Tekla?

NEURO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with