^

Punto Mo

Kaalaman tungkol sa pagiging ­‘vegetarian’ (Part 2)  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang vegetarianism ay nag-umpisa sa India. Sa kasalukuyan, 70 percent ng vegetarians sa buong mundo ay Indians. Ayon sa United Nation, India ang pinakamahinang komunsumo ng karne sa buong mundo.

• Base sa pag-aaral ng mga British, maaaring ma-predict kung ang isang bata ay ­magiging vegetarian paglaki niya. Mas mataas ang IQ, mas malaki ang tsansa na maging vegetarian.

• Sa isang research na ginawa, nagiging mapang-akit ang amoy ng lalaki sa babae kung siya ay hindi kumakain ng red meat.

• Animal cruelty ang dahilan ng mga vegetarians kung bakit wala silang ganang kumain ng karne. Halimbawa, sa pagkatay ng baboy, mayroong proseso kung saan buhay pa at may malay pa ang hayop ay inilublob na sila sa mainit na tubig upang lumambot ang kanilang balat.

• Ayon sa American Dietetic Association (ADA), ang mga vegetarian or  nasa vegan diet  ay mas malusog kaysa isang tao na ang diet ay may karne. Ang  vegetarians ay may mababang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso, alta presyon type 2 diabetes, prostate at colon cancer.

• Ang ovo-vegetarian ay kumakain ng itlog ngunit hindi ang dairy products.

• Ang lacto-vegetarian ay kumakain ng dairy products pero hindi ang itlog.

• Ang ovo-lacto vegetarian ay kumakain ng itlog at dairy products.

(Itutuloy)

VEGETARIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with