^

Punto Mo

Pagdaraos ng F2F classes, siliping mabuti!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Katunayan nang tuluyang pagbabalik na sa normal ang sitwasyon sa bansa ay sa inaasahang pagsasagawa na ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan ngayong papalapit na ang buwan­ ng Hunyo.

Pinaghahanda na nga ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pagdaraos ng face-to-face classes.

Ito ay sa kabila pa rin na may mga bahagyang pagtaas sa bilang ng nagkaka-COVID na nana­natiling manageable umano ito.

Base sa kautusan ng DepEd, kailangang maglatag ng mga pamamaraan o panuntunan ang mga regional offices para mai-asses ng DOH at mga local government unit (LGUs) bilang pagha­handa sa pagdaraos ng F2F classes.

Malaki rin ang paniwala ng DepEd na 100 porsiyento na itong maisasakatuparan sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Kasi nga sa kasalukuyan naman kasi umaaabot na rin sa 73% ang nakapagsasagawa na ng F2F classes sa mga pampublikong paaralan.

Ipinaalam at pinayuhan na rin ng DepEd ang mga pribadong paaralan sa pagsasagawa na rin ng face-to face classes.

Kung sabagay dapat lamang maunti-unti na ang in-person classes, iba siyempre kapag magkaharap ng personal ang nagtuturo at tinuturuan.

Yun nga lang dapat marahil na unti-unti ang pagpapatupad nito, gaya na rin nang suhestiyon ng ilan na magkahalong F2F at may araw na sa bahay pa rin mag-aral ang mga estudyante hanggang sa tuluyan na ngang mawala ang banta ng COVID.

Kailangan ding mailatag ng mga paaralan ang kanilang mga inihandang proteksyon para sa mga mag-aaral para mawala ang pangamba ng mga magulang sa banta na ma-expose ang kanilang mga anak sa hawaan.

Gayunman, hindi kailangan ang pagmamadali, dapat sigurado sa bawat paggalaw at hindi malagay sa anumang panganib ang mga mag-aaral.

Ang mga ganitong mga pagbabago kaugnay sa COVID pandemic, ang magiging malaking hamon hindi lamang sa mga bagong uupo sa DepEd, na yan nga ay pangungunahan ni vice-president elect Sara Duterte kundi sa kabuuan ng papasok na bagong administrasyon.

FACE TO FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with