Ginger (39)

‘‘LALAKI? Nagkamali pala ako sa hula. Hindi pala totoo na kapag maganda ang mother habang nagbubuntis ay babae ang ipanganganak. Baliktad pala. Kapag maganda ang mother na buntis, lalaki pala ang ipanganganak niya,’’ sabi ni Anton.

‘‘Oo Sir. Nagkamali ka siguro sa narinig.’’

‘‘Baka nga.’’

‘‘Paano mo nalaman na nanganak na si Marie?’’

‘‘Tumawag po sa akin ang mama ni Marie. Kaninang madaling araw daw po nanganak. Na-CS daw po si Marie.’’

“Ganun? Kawawa naman si Marie ano? Kung hindi sana siya nadenggoy ng lalaking nakabuntis e di sana may karamay si Marie ngayon.’’

‘‘Oo nga po Sir. Naaawa tuloy ako kay Marie.’’

‘‘Nasaan na kaya ang ­lalaking nakabuntis, Ginger?’’

‘‘Ewan ko po.’’

‘‘Kinukonsensiya kaya ang damuho?’’

‘‘Ewan ko po Sir.’’

“Maka-karma rin siguro ang lalaking yun sa darating na panahon? Malay natin baka maging presidente ang sinilang ni Marie. O baka maging artista. Tiyak na sising-sisi ang lalaking ‘yun pagnagkataon.’’

Napatango lang si Ginger.

“Hindi natin alam ang mangyayari sa future. Posibleng mangyari ang anumang imposible.’’

Napatango uli si Ginger.

“Teka kailan natin dadalawin si Marie. Para makita pati natin si Baby Boy.’’

‘‘Bukas Sir. Dalawin natin si Marie.’’(Itutuloy)

Show comments